^

PSN Showbiz

Mayor Joy, maraming hawak na resibo

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Mayor Joy, maraming hawak na resibo
Joy Belmonte.

Totoo iyon sinabi mo Salve sa column mo kahapon na sana ma-retain sa puwesto nila sila DOT Sec. Berna Romulo-Puyat at FDCP Chair Liza Dino.

Napakaganda ng performance ng dalawa kaya naman hindi nahirapan ang mga may kailangan sa kanilang tanggapan dahil sa maayos na palakad nila sa FDCP at DOT.

Pupurihin mo talaga iyon sipag nila Chairperson Liza at Secretary Berna.

Dedicated public servants na talagang ang oras ay nakalaan para sa trabaho nila.

Sayang talaga kung papalitan sila kung sakali sa mga ahensiya na hawak nila.

Alam na alam na nila ang mga bagay sa FDCP at DOT, mga solusyon sa mga problema na hinaharap, at kilalang-kilala na sila hindi lamang sa ating bansa, kundi sa abroad.

Sana nga makita ng sinumang uupo bilang bagong leader natin ang magandang mga ginawa nila para sa tourism at entertainment industry.

 Totoo rin iyong dapat may resibo ang bawat kandidato para patunay na may nagawa siya.

Iyan ang meron si Mayor Joy Belmonte. Kitang-kita sa Quezon City ang mga nagawa ni Mayor Joy. Magandang garbage disposal, mga ilaw sa kalye, iyon police visibility, programa sa pandemya at marami pang iba.

Ramdam na ang dami niyang nagawa bilang Mayor ng QC kaya naman dapat lang talagang ibalik siya at ‘wag paapekto sa mga naninira.

Kung titingnan mo parang ang physical look ni Mayor Joy hindi kaya ang trabaho dahil ang liit ng frame niya. Pero walang tatalo sa liksi at sipag niya.

Halos buong araw siya mag trabaho. Bongga talaga. Mayor Joy forever sa QC.

vuukle comment

JOY BELMONTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with