^

PSN Showbiz

Rufa Mae, sumagot sa chikang may ginagawang Hollywood movie

YUN NA! - Jun Lalin - Pilipino Star Ngayon
Rufa Mae, sumagot sa chikang may ginagawang Hollywood movie
Rufa Mae.

Alam mo, Ateng Salve, may tsikang kasama raw sa Hollywood movie na Barbie (na set for release raw ng 2023) si Rufa Mae Quinto.

Napa-“Wow!” nga ang mga fan ni P-chi (paboritong tawag sa sexy come­dienne).

Kahapon nga, tinanong ko siya tungkol sa tsikang ‘yon at ipinadala naman niya sa amin ang isang correction post tungkol sa tsikang ‘yon.

“Correction” Rufa Mae Quinto is not in the cast of Barbie. This has now been fixed. Out data is crowd-sourced via TMDb – occasionally there will be a few hiccups. Apologies for any confusion.”

So, mali nga ‘yung lumabas na kasama siya sa Barbie movie.

“Wala pa nga akong alam, eh,” sey niya.

Tinanong namin si P-chi kung na-disappoint ba siya sa pagkakamaling ‘yon?

“English kasi, hindi ko pa maintindihan. Pa-sleep na rin ako. Bukas na lang ako reply. Hahaha,” ang nakakaaliw na reply ni P-chi.

Anyway, nasa Bay Area (sa bandang San Francisco, California) si P-chi ngayon at ang alam namin ay pabalik na rin siya sa Philippines para sa ilang commitments sa GMA 7 kasama na ang Bubble Gang kung saan ay makakasama uli siya sa cast.

Pumirma ng management contract ang sexy comedienne sa Sparkle (GMA Artist Center).

Sa tsikahan namin ni P-chi nang magkita kami sa West Covina, California a week ago ay sinabi niyang malamang na magpabalik-balik siya ng Amerika at Philippines ngayong mina-manage na siya ng Sparkle.

Si P-chi at ang mister niyang si Trevor Magallanes ay may isang anak, si Athena, na palaging kasa-kasama ng sexy comedienne dahil ayaw niyang kumuha ng yaya at gusto niyang siya mismo ang nag-aalaga rito!

Coco, dinumog sa kampanya

Dinumog ng fans si Coco Martin nang magpunta siya sa Iligan City kasama si Representative Ronnie Ong.

Kumanta pa si Coco para ikampanya ang Ako’y Pilipino Partylist ni Rep. Ronnie. Nakita namin ang video ng kampanyang sinamahan ng sinasabing boyfriend ni Julia Montes at talagang bigay na bigay siya sa pagkanta, huh!

Close friends sina Coco at Rep. Ronnie, kaya naman ikinakampanya ng Kapamilya action star ang nasabing partylist.

Like Coco, ikinakampanya rin ni Yassi Pressman ang partylist ni Rep. Ronnie.

Bongga!

RUFA MAE

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with