Maine, supportive ‘first lady’ ni Arjo!
Game na game si Maine Mendoza nang sumama siya motorcade ng boyfriend na si Arjo Atayde na kumakandidatong kongresista sa District 1 ng Quezon City.
Last Sunday nga ay sumama ito sa motorcade ng aktor at talaga raw very accommodating si Maine sa mga andun sa motorcade at tinatawag siyang ‘first lady.’
Parang madali raw makaka-adjust si Maine sakaling maging misis siya ni Arjo na nangunguna sa mga survey sa pagka-kongresista.
Actually, wala raw katapusang sigawan ang narinig dahil nga talagang naghihintay raw ang lahat sa tuwing may motorcade ang grupo nina Mayor Joy Belmonte kasama ang ibang mga kandidato tulad ni Arjo.
- Latest