^

PSN Showbiz

Stars of tomorrow, pila na!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Stars of tomorrow, pila na!

Sino kaya sa celebrity kids ngayon ang magiging stars of tomorrow? Malakas ang dating nina Zia Dantes, Scarlet Belo, at iba pang anak ng celebrity. Cute si Luna na anak nina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo. Parang star din si Nate na anak nina Ogie at Regine Alcasid.

Maraming maaaring maging future stars kaya naman exciting ang magaganap sa next generation.

Parang iyon ding may mga magulang na celebrity ang magkakaroon ng big chance sa showbiz, dahil siyempre meron na agad silang konek.

Ang sarap isipin na ‘yung nakikita mo ngayong mga bata pa will one day be the stars of tomorrow. Cute ‘di ba, kaya naman exciting bantayan.

Who will make it to the top, who will stay longer, sino among them ang magiging superstar, bongga!

Talagang next generation na ang usapan, para bang pressured tuloy ang paglaki ng mga bata dahil ngayon pa lang inaabangan na sila.

Kaya nga nakabantay na agad ang marami, sa next Marian Rivera at Dingdong Dantes.

Bryan, tahimik pero malalim

Natutuwa naman ako at ngayon gusto na rin ni Bryan Revilla na tikman ang pulitika.

Sa nabuong partylist na Agimat, si Bryan Revilla ang first nominee, at talagang kumuha siya ng short courses para maintindihang mabuti ang papasukin niyang career.

Tahimik pero malalim si Bryan kaya alam mo na tiyak na kakayanin niya ang mga hamon ng bagong career na papasukin niya. Preparado siya, at may puso kaya madali niyang magagampanan ang bagong trabaho.

Tiyak na magiging madali para sa kanya na gawin ang mga bagay na makakatulong sa tao dahil nakita na niya kung paano ito ginagawa ng father niyang si Bong Revilla.

Happy proud addition si Bryan sa papasukin niyang career.

vuukle comment

ZIA DANTES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with