^

PSN Showbiz

Carla, nagbanta ng demanda sa mga nanggagamit

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Carla, nagbanta ng demanda sa mga nanggagamit
Carla
STAR/ File

Nagbanta si Carla Abellana na idadaan niya sa legal ang panggagamit sa kanya ng isang product na nagpapapayat na hindi kailangang mag-diet at mag-exercise.

Aniya, hindi niya ginamit ‘yun para pumayat.

“Hello, everyone! Please be advised that I do not, never did, and never will use this brand and these products with ads circulating all over social media, particularly on FB.

“This is false advertisement and the page owner has ignored my personal request to remove the ad. I can now proceed to take legal actions against them.”

At kung gaano kabilis nagkaroon ng denial si Carla tungkol sa panggagamit sa kanya ng nasabing produkto, kabaliktaran naman ito sa nagaganap sa kanila ng husband niyang si Tom Rodriguez na hanggang ngayon ay wala talaga silang sinasabi kung ano ba talagang rason at naghiwalay sila.

Ang lumalabas na isyu ay pera though meron ding kumakalat na chismis na diumano’y may nadiskubre si Carla sa asawa dahil naka-tracking app diumano ang kanilang mga telepono kaya namo-monitor nila ang galaw ng bawat isa sa kanila at ito nga raw ang pinagmulan ng kanilang hiwalayan.

Pero ‘yun nga lang, lahat ‘yun ay speculation dahil wala naman silang sinasabi o official statement.

CARLA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with