Sharon, lihim ang pagtulong kina Fanny at Sandra

Sharon
STAR/ File

Bongga talaga si Sharon Cuneta ano, Salve. Silently tumutulong siya sa mga tao na close sa kanya like Fanny Serrano at Sandra Chavez.

Ang ganda ng pagtulong niya dahil kusa at talagang inililihim niya.

Ang nagbabalita lang mismong mga tao na tinulungan niya. Nagpapasalamat sa mga ginagawa niyang kabutihan.

Magandang gesture na talagang pupurihin mo dahil bihira rin ang mga artistang gumagawa ng ganito.

Kaya naman siguro lalo pa silang pinagpapala dahil nga mabait sila.

Bongga ka Sharon, nag-iisa ka.

Sparkada, may star awra

Bongga excited na excited daw ang members ng Sparkada ng Sparkle dahil ipinakilala na sila sa showbiz press.

Nakita ko sila sa mga litrato at in all fairness, magaganda at guwapo sila at palagay ko may mga talent dahil tiyak na hahasaing mabuti ni direk Johnny Manahan.

Very promising dahil mukha talaga silang stars  na ngayon pa lang hinihintay na ang projects na ibibigay sa kanila dahil nga talagang iyon ang dream nila sa pagpasok sa showbiz. Sana nga ay mabigyan agad ng break dahil mas maganda na habang andiyan pa ang excitement, isalang agad. Marami pang hopefuls na nakaabang. Talagang showbiz ang secret dream ng maraming kabataan.

Show comments