^

PSN Showbiz

Matteo at Sarah, may nabiling bundok sa Laguna

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Matteo at Sarah, may nabiling bundok sa Laguna
Matteo at Sarah.

Nasagap namin sa ilang araw na bakasyon namin sa Paete, Laguna ay meron palang nabiling property doon ang mag-asawang Matteo Guidicelli at Sarah Geronimo.

Sabi ng ilang tagaroon, parang isang buong bundok daw ang nabili ng mag-asawa at nababalitaan nila kapag pumupunta roon sina Matteo at Sarah.

Nakikita nga namin sa mga Instagram post ni Matteo na nanganga­bayo ito, maa­ring doon daw iyon sa nabili nilang property sa Paete.

Ang lupang iyon ay pag-aari ng lolo ng aktor ding si Leandro Baldemor.

Hindi lang alam ni Leandro ang buong detalye ng property, basta nabalitaan din daw niyang may binili nga roon ang mag-asawang Guidicelli.

Iba naman kasi talaga ang buhay-probinsya lalo na sa Paete na ang daming magagandang tanawin.

Kaya may ilang mayayamang negosyante ang nag-i-invest na ng property sa mga probinsiya kagaya nitong sa Paete.

Napag-alamang tagaroon din pala ang komed­yanteng si Sef Cadayona at ang ina raw ni Solenn Heussaff.

Nova, handa nang ma-COVID

Nasa virtual mediacon ng bagong drama series na False Positive ang beteranang aktres na si Nova Villa nung nakaraang Miyerkules ng hapon.

Birthday pala ni Tita Nova nung araw na iyon, kaya hindi na niya tinapos ang media­con, dahil may iba pa siyang commitment.

Sa edad na 76 ay maliksi pa rin ang beteranang aktres, at naranasan din pala niyang magka-COVID.

Nagpapasalamat siya sa Diyos na nandiyan pa rin siya sa kabila ng mga pinagdaanan niya. “Sa 76 years, lahat na klaseng pagdurusa inabot na natin,” pakli ni Tita Nova.

“Nobody is exempted sa lahat na trials na duma­ting sa akin, at itong mga trials na ito ang nagpatatag sa atin. That is why, nandito pa rin tayo, lumalaban sa buhay. Pero ‘pag kasama mo ang Panginoon, kayang-kaya natin ito.

“Na-COVID na ako. Ang COVID ko Pneumonia. Isang paa na lang nasa hukay na,” dagdag niyang pahayag.

Habang nasa hospital daw siya ay handa na raw siya kung ano ang mangyayari sa kanya. Ang tanging ipinagdasal daw niya sa Panginoon ay huwag lang siyang mahirapan.

Pero nagawa pa raw niyang makipagbiruan habang naka-confine siya sa hospital. “Wala akong naramdamang takot nung ma-COVID ako. Naka-ready ako. Ganun lang ang sikreto ko sa buhay. Gusto ko lang masaya. Handa na ako.

“More on Lord whatever is Your will, tulungan Mo lang ako na matanggap ko lahat ito. Kung ano ang para sa ­akin, kung ano ang ibibigay mo sa ­akin, huwag Mo lang akong pabayaan. And then, I mentioned the people na may sakit din, inu-offer ko naman ‘yun for them,” saad ni Nova Villa.

Kaya sinasabi ng iba na hindi pa siya mukhang 70 plus, wala naman daw siyang beauty regimen para magmukhang bata kundi ang dasal daw ang pinakamainam sa lahat. “Itong birthday ko ngayon, lahat nang nagsasabi, tinatanong ako kung ilang taon na ako. Sabi ko 76. Sabi para lang daw ako 50, parang 60, may 45, mga ganun.

“Sanay na ako makarinig ng ganun. Pero nasa isip ko it’s a blessing, pati ‘yung lakas. Kaya nga kaya ko pa… nagtatanim nga ako sa bundok, may farm ako. Kaya ko lahat ‘yan. Lahat ito blessing. Kaya ano pa ba ang puwede kong sabihin sa birthday ko? Na up to now, nararamdaman ko ang lakas. Nakikita ko sa salamin ang itsura ko. Ano pa ang puwede nating sabihin kundi salamat Lord.

“Wala. Hilamos lang ako at saka sabon. It is what is in your heart. It is within. Lumalabas if God is with you. You will look young. Basta masaya ako. Gusto ko masaya tayo. I love everybody, wala akong kaaway. Kaya napu-project sa screen,” pahayag pa ni Nova Villa na masayang-masaya na napasama siya sa False Positive na magsisimulang mapanood sa May 2 pagkatapos ng First Lady.

Kit, damang sisibakin sa serye

Hindi pa naman daw kinukumpirma kay Kit Thompson kung tanggal na nga ba siya sa Flower of Evil. Pero magkakaroon daw ng meeting at kakausapin ang aktor pagkatapos ng Holy Week.

Ramdam na ng ilang mga taong malapit sa aktor na baka nga tatanggalin na siya. Pero ang dami nang eksenang nakunan kay Kit.

Parang nakakapanghinayang na itatapon na lamang iyon. O baka naman tatapusin na lang ang role na ginagampanan niya.

vuukle comment

MATTEO GUIDICELLI

SARAH GERONIMO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with