^

PSN Showbiz

KC, mas piniling magtrabaho sa US kesa magkampanya!

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
KC, mas piniling magtrabaho sa US kesa magkampanya!
Sharon at KC
STAR/ File

Sharon feeling empty...

Ayaw magsalita ng isang malapit kay KC Concepcion, na naka­balik na sa Amerika matapos mag-stay ng almost two weeks sa Pilipinas, nang tanungin namin kung hindi ba sila nagkita ng mommy Sharon Cuneta niya habang andito sa Pilipinas si KC.

Marami kasing nag-expect na tutulong ito sa kampanya ng kanyang stepdad, vice presidentiable Kiko Pangilinan. Pero umalis si KC na ang ilang friends at daddy Gabby Concepcion lang ang naka-reunion via zoom pa.

Pero malaman ang birthday post ni Sharon kahapon. Aniya, marami nang nangyayari, gayunpaman malaking piraso raw ng kanyang puso ang walang laman.

“Feliz cumpleaños, mi hijo mayor y mi hija, mi primera princesa, pequeña reina y mi bebé para siempre, la princesa KC. So much has been said, so much yet to say. So much has happened, so much has changed. Still, know that there is a huge chunk of my heart that is missing, empty without you. I will always be your mother, no matter what choices in life you have made and will make. I will be here, cons­tantly praying for you, wishing things were different, that you didn’t have to grow up too fast - that the pain of your family breaking up didn’t have to happen nor burden you. Again, none of it was your fault. Your Papa and I have always and will always love you though he and I are apart. And your Daddy and siblings - and your Mama - shall always be your real home. I love you, Kristina. God bless you and guide you through your life, my beautiful big girl. One day, we will all be together and it will all be wonderful again. Have a beautiful birthday!

“I wish your happiness. Peace, the tying of loose ends, and I wish you all that your heart desires.

“Please take care of yourself and remember that Mama loves you –no matter what – that your have a family in us always in us just waiting for you to come home @kristinaconcepcion.”

Sunud-sunod actually ang post ni Sharon kahapon :  “Happy, happy birthday, Maria Kristina Cassandra! Born on Easter Sunday, April 7, 1985, Makati Medical Center, to Gabriel Arellano Concepcion and me. Grandchild of Pasay City Mayor Pablo P. Cuneta and Elaine Gamboa Cuneta (Mita for sure is so proud of you and smiling down at you from heaven! And Tatay for sure talks proudly about you with all the angels and his friends up there too.). My eldest child. My daughter.

Nag-reply naman si KC. “Very sweet of you mom. I appreciate this. Thank you for bringing me into the world.”

Pero ang ang isang magandang birthday message ni KC sa kanyang followers ay balik-trabaho siya, pero sa New York. “Because it’s April 7th in the Philippines!!!  Being back on set for my birthday, doing what I’ve always loved, is a celebration in itself… Please, do what makes you happy- what makes you feel alive!!!  Coming back to acting + living in New York for work is another dream come true. Keep dreaming new dreams loves,” aniya pero wala siyang ibinigay na detalye tungkol sa nasabing proyekto niya.

Bida sa Bonggang Villa... papalit sa Agimat...

Ahh ang Jose and Maria’s Bonggang Villa pala ang sinasabi ni Marian Rivera na sitcom nila ni Dingdong Dantes.

Cute ang teaser, summer ang vibe, na mag-uumpisang mapanood sa May 14.

Ten years ago na ang last team-up ng DongYan sa TV sa My Beloved though may short appearance sila together sa Encantadia noong 2016.

Ito ‘yung binanggit ni Marian nang magkaroon siya ng launching as only face ng Kamiseta Skin recently lang.

Papalit ang Bonggang Villa sa Ang Agimat ng Agila ni Sen. Bong Revilla na napapanood every Saturday night.

Nabanggit na ni Marian na mas ok magtrabaho kung wala nang lock-in taping at natupad nga dahil uwian na ang taping na inumpisahan sa local adap­tation ng Start-Up na naka-fourth day na pero smooth sailing daw. Nagsusuportahan daw ang mga bidang sina Alden Richards, Bea Alonzo and Jeric Gonzales (na iisa pala ang discoverer nina Bea and Jeric). Inaalalayan daw ni Alden si Jeric dahil ang cha­racter pala ni Nam Joo-hyuk ang ginagampanan ni Jeric (na bida sa Korean version) habang ang cha­racter ni Kim Seon-ho ang napunta kay Alden. Si Bae Suzy ang cha­racter na ginagampanan ni Bea Alonzo na by the way ay sa July daw ito mapapanood.

Going back to Marian, today, Saturday naman ang press launching as endorser ng Kamiseta lotion. At sosyal dahil sa Manila Peninsula ito magaganap.

AGIMAT

KC

SHARON

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with