^

PSN Showbiz

Marian, masipag na endorser

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Marian, masipag na endorser
Marian
STAR/ File

Sobra namang sosyal ang launching ni Cris Roque ng Kamiseta Skin at Lotion para kay Marian Rivera.

Bongga talaga dahil sa Manila Peninsula gaganapin at talagang buhos ang suporta nito.

Dapat lang naman dahil kita mo how professional at grabe ka-passionate si Marian sa Kamiseta Skin.

Talagang tumutulong siya sa marketing at anumang oras alam niya ang commitment niya as endorser.

Dapat lang kasi na ganito ang gawin ng sinumang kukunin modelo para sa produkto ng anumang kumpanya. Dapat ipakita mo sa lahat na talagang gamit mo, kinakain mo, ang product na endorsed mo.

Truth in advertising talaga, saka dapat makita ng kumpanya na heto binibili ang anumang hawakan ng model na ito, dahil binayaran ka dapat meron return of investment. Saka dapat cooperative ka sa marketing strategy ng kumpanya.

Si Marian buying ang followers, ‘yung supporters niya binibiling ang mga product na endorsed niya.

Kaya pala madalas kunin ng mga kumpanya, dahil ‘pag siya ang endorser talagang nabibili ang produkto. Bongga. Kahit itanong ninyo sa mga kumukuha kay Marian, kaya nga pinakamarami siyang products na model siya, dahil tunay na tumutulong siya sa kumpanya.

Kasal nina Hyun Bin at Son Ye-Jin, parang Cinderella story

Tulad din ng pagkakilig nang mag-asawa si Song Joong-ki ang na-feel ng marami nang ikasal si Hyun Bin. Kasi nga parang pinaka-precious na leading man ang ikinasal kaya feeling mo Cinderella story ang nagaganap. Kasi nga usually ‘pag babae ang ikinasal parang hindi ka nagugulat, pero ‘pag lalaki, parang unusual dahil nga mas parang matagal mag-decide mag-asawa ang lalaki kesa mga babae.

Wish ng marami na hindi matulad sa nangyari kay Song Joong-ki at Song Hye-kyo ang pagpapakasal nina Hyun Bin at Son Ye-jin.

Shocked kasi ang marami na halos one year and six months lang tumagal ang married life ni Joong-ki. Sana naman ‘yung kay Hyun Bin maging forever.

Hindi isa lang ang may desisyon, dalawa kayo na gagawa nito. Sana nga ito ang mangyari kay Hyun Bin. At sana rin makatagpo na ng bagong mamahalin si Song Joong-ki. Para lahat happy, parang si Bea Alonzo, pagkatapos ng ghosting, nakakita ng bagong mamahalin. Ang bilis lang, ‘di bah, swak agad, sana wala nang ghost.

vuukle comment

MARIAN RIVERA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with