^

PSN Showbiz

Bong, pinang-aayuda ang TF

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Bong, pinang-aayuda ang TF
Bong
STAR/ File

MANILA, Philippines — Siguro hirap na hirap ngayon ang maraming kandidato. Election time sa gitna ng pandemic, tiyak na ang daming humihingi ng tulong financial.

Alam mo ba kung bakit kahit na senador na si Bong Revilla tuloy pa rin ang acting career niya? Kasi nga, ‘yung talent fee niya sa showbiz usually ang nagagasta niya para pantulong sa rami nang dapat tulungan.

Paggising mo pa lang, ang dami ng tao na naghihintay sa iyo para humingi ng tulong. Matutulog ka na lang meron pa ring humihingi ng tulong.

Kaya nga natutuwa siya ‘pag meron siyang project, dahil kahit papaano malaki ang budget niya pantulong.

Eh ngayong pandemic, nganga ang showbiz, hinto ang movie production, medyo matipid ang taping, kaya malaki rin ang nawala para sa pantulong sa maysakit o kailangang gastos sa bahay. Pandemic sa lahat ng sulok, kaya medyo mahirap. Pero maaayos din iyan, pray lang tayo nang bonggang-bongga para makarating sa langit.

Erich, ipinaglaban ng asawa

Ikinasal na pala sina Erich Gonzales at Mateo Lorenzo. Bongga noh! Talagang natuloy sa altar ang pagmamahalan ng dalawa. Talagang ipinaglaban ni Mateo Lorenzo ang pagmamahal niya kay Erich Gonzales.

Medyo conservative raw ang pamilya Lorenzo kaya siguro hindi kaagad nila matanggap na isang mula sa showbiz ang magiging in-law nila. Pero para namang sinasadya, dahil ‘yung isang kapatid daw ni Mateo, si Claudia Barretto naman ang GF.

Mukhang mga taga-showbiz ang magiging dagdag sa pamilya sa mga Lorenzo. Maipapakita naman ni Erich Gonzales na karapat-dapat siyang ipagmalaking asawa ni Mateo Lorenzo.

Congrats and best wishes sa dalawang bagong kasal.

vuukle comment

BONG REVILLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with