Heart, 10 million na sa IG, ibang artista namimili ng followers

Heart
STAR/ File

Whew, 10 million na ang followers ni Heart Evangelista sa Instagram page.

Sa kanyang post kahapon ay may pa-baloon siya habang nasa Paris : “10 million in Paris. thank you to everyone :) after almost 25 years in showbiz, who would have thought I would still be loved by 10 million more. I am so grateful.”

Walang nagduda na boosted ang nasabing account ni Heart dahil ang tagal niya bago naka-10 million.

Meron diumano kasing ibang celebrity na namimili ng followers para madagdagan ang number of followers.

Hindi na bago ang issue ng pamimili ng followers ng ibang mga artista para magkaroon ng impact ang account sa social media.

Show comments