^

PSN Showbiz

Kris, hindi nag-power trip

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Kris, hindi nag-power trip
Kris
STAR/ File

Ngayon ko lalong na-appreciate si Kris Aquino. Noong Presidente pa ang nanay niyang si Mrs. Cory Aquino, at kahit na ang kapatid na si Noynoy Aquino, never nag-power tripping si Kris.

May mga nagsusulat at nagbabalita ng hindi maganda sa kanya pero never na tinakot o nag-complain si Kris. Hindi niya ipinagmalaki ang posisyon ng nanay at kapatid niya. Hindi gaya ngayon ng ibang artista na tinatakot ng demanda o iko-complain ang sinumang makatampuhan nila.

‘Yung power tripping sign, kung minsan ng pagi­ging insecure ng isang tao. At kung minsan din ng kabobohan nito. Iyon bang hindi makaya ng utak nila na matanggap ang mali sa kanila kaya they resort to power tripping. ‘Yung ipakita na kaya niyang gawin ang isang bagay dahil may connection siya, o popular siya. Pero ang hindi niya alam ‘yung power tripping niya lalo pang nagpapakita ng kahinaan niya.

Dapat talaga kapag nasa itaas ka, ang nasa paligid mo mga tao na merong mataas na comprehension o dunong para makatulong sa iyo. Huwag kang padadala sa mga tao na mahina rin ang utak kaya mahilig manulsol. Mahina na nga ang utak mo, pati nasa paligid mo, kaya hayan, lalo pang lalabas ang pagkabobo mo.

Ingat sa mga kasama, para lagi kang popular at sikat.

KRIS AQUINO

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with