^

PSN Showbiz

Derek at Ellen, nagpauso!

Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Derek at Ellen, nagpauso!
Derek at Ellen
STAR/ File

Ang daming natuwa sa post ng mag-asawang Derek Ramsay at Ellen Adarna na kuha sa Sirom Beach, Pangasinan. Doon nila ipinagdiwang ang first anniversary at dinagsa ito ng mga pagbati at sangkatutak na likes.

Pero nagpauso na naman ang mag-asawa ng bagong pose sa kanilang pictorial na kung saan nakahiga si Ellen sa balikat ni Derek habang nakadipa. Hindi ko alam kung ano ang tawag sa pose na ‘yun, pero ang daming gumaya na nag-post ng ganung position. Ni-repost din ito ni Derek sa kanyang IG story, na hindi lang followers niya dito sa Pilipinas kundi pati sa ibang bansa. At least nagpauso na naman sila!

Isa kasi sa bonding nilang mag-asawa ay mag-yoga na dating ginagawa ito ni Ellen. “Ellen and I are just being ourselves. Sobrang playful namin na ganyan. Pareho kaming mahilig mag-workout.

“Natututo na nga akong mag-stretching dahil sa kanya. Super flexible si Ellen eh. Ako ‘yung may lakas, binubuhat-buhat ko lang siya. Para sa akin parang papel lang si Ellen eh. Kaya ko siyang ihagis,” natatawang pahayag ni Derek sa nakaraang interview sa kanya sa DZRH.

Kaya proud naman ang aktor sa mga ginagawa nila ni Ellen, na ang daming natutuwa at ginagaya pa sila.

Paolo at Dingdong, ikinumpara kina Ate Guy at Ate Vi

Natatawa si Paolo Contis kapag nagku-comment kami sa acting niya sa I Left My Heart in Sorsogon. Iba kasi ang atake ni Paolo sa role niya rito bilang si Mikoy.

Under-acting siya na kitang-kita ang nararamdaman niya sa eksenang ginagawa niya sa seryeng ito. “Wala naman masyadong matinding aktingan talaga sa Sorsogon kasi light lang siya,” text sa akin ni Paolo kapag napapag-usapan namin ang drama series nila nina Heart Evangelista at Richard Yap.

Pero sa totoo lang, mas mahirap ang under-acting kesa sa may pagka-hysterical dahil tipid ang kilos at ang dialogue pero dapat maiparating mo sa mga manonood ang tunay na nararamdaman mo.

At may ganun pa raw siyang atake bago ito mag-ending sa Friday.

Sa totoo lang, isa si Paolo sa Kapuso actors na talagang panlaban ang pag-arte.

Sabi nga namin sa kanya, siya ang lalaking Nora Aunor at si Dingdong Dantes naman ang lalaking Vilma Santos sa GMA 7.

Natawa na lang si Paolo na ikinumpara namin sila ni Dingdong kina Ate Guy at Ate Vi. Ang dami rin kasing pumuri sa napakagaling na performance ni Dingdong sa Alter-Nate, at si Paolo naman dito sa I Left My Heart in Sorsogon.

Kaya sana nga mabigyan silang dalawa ng magandang material para talagang magpatalbugan sila sa aktingan.

“Sana nga makatrabaho ko si Dong ng drama eh. Mostly kasi action ‘pag kaming dalawa,” sagot sa akin ni Paolo.

Abangan na lang sa ending ng I Left My Heart in Sorsogon kung ano nga itong pasabog na acting ni Paolo, at kung sino ang makakatuluyan ni Celeste (Heart Evangelista) dito, kaya Tonito (Richard Yap) ba o kay Mikoy (Paolo Contis).

ELLEN ADARNA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with