^

PSN Showbiz

GMA, hitik na hitik ang mga programa ngayong 2022!

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
GMA, hitik na hitik ang mga programa ngayong 2022!
Xian Lim at Glaiza de Castro.

Nakahain na ang mga aabangang programa ng GMA 7 ngayong 2022!

Nauna nang napanood ngayong bagong taon ang Year of the Superhero na ipinalabas nitong Jan. 1. Pinangunahan ng Kapuso power couple na sina Dingdong Dantes at Ma­rian Rivera.

Nagbabalik naman sa GMA Afternoon Prime ang top-rating series na Prima Donnas sa Jan. 17. Pinagbibidahan nina Jillian Ward, Althea Ablan, at Sofia Pablo, ang tatlong Donnas ay mas matatag at handa nang harapin ang mga panibagong pagsubok.

Nagsimula na rin naman nitong Lunes (Jan. 10) ang Afternoon Prime drama series na Little Princess. Bida sa serye na ito sina Jo Berry, Rodjun Cruz, at Juancho Triviño.

Kaabang-abang din sa GMA Afternoon Prime ang legal drama series na Artikulo 247. Sa pangunguna nina Rhian Ramos, Benjamin Alves, Kris Bernal, at Mark Herras, ang serye ay istorya ng isang babaeng pilit na kumakawala sa consequences ng kanyang nakaraang pagkakadawit sa buhay ng kanyang boss at asawa nito.

Ang ilan pang shows na dapat abangan sa GMA Afternoon Prime ay ang The Fake Life, Apoy sa Langit, Abot Kamay na Pangarap, Frozen Love,  Return to Paradise, Underage, Heaven In My Heart, at Nakarehas Na Puso.  Nangunguna naman sa listahan ng weekend game at va­riety shows ang Family Feud, isang popular na franchise game show kung saan dalawang pamilya ang magpapagalingan sa pagbibigay ng pinakasikat na sagot sa survey questions.

Ganundin ang Philippine franchise ng sikat na SBS Korea Original Running Man Philippines ay ipapalabas na ngayong 2022. Bagong breed naman ng talented music artists ang nakatakdang madiskubre sa Sing For Hearts. Tampok naman sa The Best Ka! ang Guinness World Records ng Best of the Best  sa talent, looks at iba pa.

Maghanda naman sa isang action-packed adventure dahil ang top-rating family drama na Agimat ng Agila Season 2 ay magbabalik tuwing weekend kasama pa rin si Ramon ‘Bong’ Revilla, Jr. bilang Major Gabriel. Kasama niya rito sina Sanya Lopez, Elizabeth Oropesa, at Benjie Paras, pati na ang mga bagong miyembro ng cast na sina Gardo Versoza, Betong Sumaya, Kim de Leon, Shanelle Agustin, at Miss Universe Philippines 2021 Rabiya Mateo.

Patuloy rin ang pagbibigay ng bago at magagandang programa ng Kapuso Network sa kanilang second free-to-air channel na GTV ngayong 2022.

Ma-inspire na magpalaganap ng kabutihan sa primetime series na Sweet Sixteen. Tampok dito si Abigail, isang spoiled brat na isusumpa ng isang pulubi.

Mamangha rin sa mini-drama series na Heart of an Angel na tungkol sa engkwentro ng isang tao sa mga anghel sa lupa.

Mas magiging kapana-panabik naman ang pagluluto sa One Knife Only. Puno ng saya at adventure, ipapakita ng show na ito ang sense of community kung saan kilala ang mga Pinoy.

Masaya ring inihahandog ng GMA Heart of Asia ang biga­ting line-up ng mga kinagigiliwang Asianovelas na My Husband in Law, Now We Are Breaking Up, Yumi’s Cells, The Wolf, Man of Vengeance, Prophecy of Love, The Merciless Judge, The Witch’s Diner, at The Penthouse 3.  

Dapat ding abangan ang mga pelikulang Huling Ulan sa Tag-araw, Hindi Tayo Pwede, Ang Babaeng Walang Pakiramdam, Biyernes Santo, Death of a Girlfriend, Pakboys Takusa, Sexy Star, at Tililing; kasama rin ang ilan sa malalaking Hollywood films na Monster Hunter, Ju-On, Ju-On 2, Creed II, The Hobbit: An Unexpected Journey, at The Hobbit: The Desolation of Smaug.

Samantala, mapupukaw ang puso ng mga manonood gabi-gabi sa world-class GMA Telebabad dramas.

From big screen to primetime, magpapatuloy ang legacy ng blockbuster movie franchise na Mano Po sa premiere ng Mano Po Legacy: The Family Fortune simula Jan. 3.

Balik-GMA Telebabad naman si Kapuso Primetime King Dingdong Dantes sa latest installment ng hit drama antho­logy na I Can See You: AlterNate. Ang bagong mini-series na nagsimula nitong Jan. 10 ay tungkol sa kambal na namuhay nang hiwalay.

Abangan din sa GMA Telebabad ang pinakahihintay na sequel ng hit TV series na First Yaya na pinagbibidahan nina Gabby Concepcion at Sanya Lopez, ang First Lady.

Makakasama naman ng bagong Kapuso actor na si Xian Lim ang versatile actress na si Glaiza de Castro sa bagong primetime series na False Positive.

Sigurado ring mahu-hook ang mga mano­nood tuwing gabi sa Widows’ Web, isang murder-mystery series na pinangungunahan nina Pauline Mendoza, Ashley Ortega, Vaness del Moral, at veteran actress Ms. Carmina Villarroel.

Nakatakda ring ihatid ng GMA Public Affairs ang pinakamalaking action-adventure series na Lolong. Pinagbibidahan ito ni Kapuso Action-Drama Prince Ruru Madrid.

Patuloy pang aabangan ngayong 2022 ang mga upcoming GMA Telebabad series na Mano Po: Her Big Boss, Love You Stranger, Bolera, The Witness, The Breadhouse, Love Before Sunrise, What a Joy, at ang Sang’gre.

Inihahandog din ng GMA Network para sa loyal viewers nito ang highly-anticipated live-action adaptation ng hit Japanese anime series na Voltes V: Legacy.

May bago ring aabangan ang sports fans sa new season ng National Collegiate Athletic Association (NCAA) sa GTV – ang Stronger Together. Buo ang Puso: NCAA Season 97 at ang primer nito.

At bilang bahagi ng election advocacy na Dapat Totoo, inihahandog ng GMA News and Public Affairs ang The Jessica Soho Presidential Interviews – ang pinakaunang election-related special ng GMA para sa 2022 na pangu­ngunahan ni GMA News pillar Jessica Soho.

 

XIAN LIM

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
no session for state
no session for code
no session for id_token
no session for user