_ngayon
^

PSN Showbiz

Zaijian, hiwalay na sa gf

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Zaijian, hiwalay na sa gf
Zaijian at gf.

Nakilala si Zaijian Jaranilla bilang si Santino sa tele­seryeng May Bukas Pa noong 2009.

Talagang sumikat ang walong taong gulang pa lamang noon na batang aktor. Mahigit isang dekada na ang nakalipas at hanggang ngayon ay Santino pa rin umano ang tawag ng mga tao kay Zaijian. “Santino pa rin tawag nila sa akin hanggang ngayon. Hindi pa rin nawawala si Santino. Minsan nga natatawa na rin ako kasi ‘di ba no’ng time na ‘yon palaging matatanda nakakapanood no’n. Minsan nagpapa-picture sa akin po sila (na kasama ang mga bata), tapos sasabihin nila, ‘Hindi mo ba kilala? Si Santino ‘yan.’ Natatawa na lang sila. Sabi ko, ‘Hindi pa po sila buhay no’n lola,’” natatawang kwento ni Zaijian.

Dalawampung taong gulang na ngayon ang aktor at nakaranas na rin na magkaroon ng kasintahan. Matatandaang naibahagi sa publiko ni Zaijian noong 2020 na nagsisilbing inspirasyon sa kanya ang non-showbiz girlfriend. Kamakailan ay nagkahiwalay naman ang magkasintahan. “Actually, wala na. Hindi na ako in a relationship. Nito lang, wala pang buwan,” pagtatapat niya.

Muling mapapanood si Zaijian sa isang tele­serye. Gagampanan ng aktor ang karakter ni Gio Ilustre sa The Broken Marriage Vow na magsisimula na sa Jan. 24.

Si Zaijian ang magiging anak nina Jodi Sta. Maria at Zanjoe Marudo na mga pangunahing bida kasama si Sue Ramirez sa bagong proyekto.

Fino Herrera, nahuli ang kiliti ni Sunshine

Ngayong Biyernes ay magtatapos na ang Marry Me, Marry You na pinagbibidahan nina Janine Gutierrez at Paulo Avelino.

Kinagiliwan din ng mga manono­od ang tambalan at ang kwento ng pagmamahalan dito ni Sunshine Dizon at ang nakababatang aktor na si Fino Herrera. Kahit 15 taon ang agwat ng edad ng dalawa sa tunay na buhay ay hindi naman daw nailang ang aktor sa kanilang mga nagawang eksena ni Sunshine. “Siya ‘yung unang nagsabi na huwag akong kabahan at maging kumportable lang and gawin mo ‘yung sa tingin mong babagay sa eksena. Sabi naman niya sa akin na may tiwala siya sa akin. No’ng una medyo awkward pa kami pero no’ng tumagal na, na-develop na namin ‘yung chemistry namin. Mas naging comfor­table na kami and medyo nalalaman na namin ‘yung kiliti ng isa’t isa,” kwento ni Fino.

Kung mabibigyan ng pagkakataon ay gusto raw muling makatrabaho ng baguhang aktor si Sunshine sa ibang proyekto. “Napag-usapan namin na if ever magkaroon ng iba pang project na gawin namin ulit ‘yung best namin, na walang magbago at maging close pa rin palagi,” dagdag ng binata.

Ayon kay Fino ay talagang naging pamilya na ang turingan ng lahat sa kanilang set. Nabuo ang magandang samahan ng buong grupo dahil na rin sa ipinatupad na lock-in taping dahil sa banta ng COVID-19 pandemic. “Madami akong na-gain dito sa Marry Me, Marry You. Una, madami akong na-experience na natutunan and siyempre nag-gain din ako ng panibagong kaibigan. ‘Yung mga cast and directors and staff naging kaibigan ko na,” pagtatapos ng aktor. Reports from JCC

ZAIJIAN JARANILLA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with