_ngayon
^

PSN Showbiz

Aktres na maldita, sinira ang tradisyon sa last shooting day!

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Tuwing matatapos ang shooting o taping ay kinasanayan na ng mga artista ang paghahanda ng ampao at pangregalo sa kanilang production staff.

Lalo na ang mga bumibida sa proyekto, mas maganda ang inaasahan sa kanila ng produksiyon, pero ilang beses nang nasisira ang pag-asa ng grupo mula sa isang kilalang female persona­lity.

Kuwento ng aming source, “Siya ang bida, natural lang na umaasa ang production staff na maghahanda siya ng pambigay sa grupo! ‘Yun na kasi ang kinasayan ng lahat.

“Pero iba ang female persona­lity na ito, wala siyang pakialam, natatapos ang mga projects niya na wala man lang paramdam ng pasasalamat sa mga nakatrabaho niya!” unang kuwento ng aming impormante.

Winasak ng babaeng perso­nalidad ang nakasanayan na sa industriya ng telebisyon at pelikula. Sa last day nangyayari ‘yun, nagpapa-party ang prodyuser, kasunod na nu’n ang pagbibigay ng regalo ng mga artista sa staff at crew.

Kuwento uli ng aming source, “Ang akala ng grupo, e, hindi alam ng female personality na ganu’n ang kalakaran. Pero hindi puwedeng hindi niya ‘yun malaman, dahil ang mga kasamahan niyang artista, e, nagbibigay!

“Talagang wala siyang pakialam! Ang dahilan niya, e, binabayaran naman ng production ang mga ginagawa nila, kaya bakit kailangang magbigay ang mga artista?

“Ganu’n siya katindi! Pagkatapos niyang lumafang sa party, e, bigla na lang siyang nawawala, umuwi na pala siya, hindi man lang siya nagpasalamat sa buong team!

“Kasi nga, e, iniiwasan niya ang roll call para sa pagbibigay ng ampao at regalo para sa mga staff at crew! Nakakaloka siya! Ang laki ng talent fee niya, pero kahit kaunti lang, e, hindi siya nagbibigay sa mga taong nakasama niya nang matagal sa trabaho!

“Walang last day-last day sa kanya, wala siyang pakialam sa ampao at regalo, tumatakas talaga siya! Hindi nga lang siya mareklamo at maarte, sarado rin ang mga palad niya!

“Nakakaloka nga! Kapag nagbibiruan ang mga bigong staff, e, may mga nagsasabing masarap siyang itulak sa septic tank! Du’n daw siya nababagay dahil wala man lang siyang pasasalamat sa mga taong nangalaga sa buong shooting at taping niya!

“Naku, my dear, huwag na kayong magtaka kung bakit maraming staff at crew na ayaw maki­pagtrabaho sa kanya! Bukod sa maldita na ang girl, e, napakareklamadora pa!

“Nabubuhay siya para sa sarili lang niya! Wala siyang pakialam sa kapwa niya!” inis na inis na pagtatapos ng aming source.

Ubos!

Kris, ipinasa na sa diyos ang kanyang sakit

Lalong naalarma ang mga kababayan natin sa sitwasyon ng pangangatawan ni Kris Aquino sa kanyang pinakahu­ling IG post.

Bagsak na bagsak na ang kanyang katawan, napakapayat na niya, hirap na hirap din ang kanyang nurse na saksakan siya ng suwero dahil sa sobrang nipis ng kanyang mga ugat na nagbibi­gayan na.

Pagkaliliit na ng kanyang mga braso, humpak na ang kanyang mga pisngi, kitang-kita talaga ang patuloy na pamomroblema ni Kris sa kanyang sakit.

Dahil du’n ay may mga nagtawagan sa amin, bakit daw hindi magbigay ng panahong maniwala si Kris sa mga albularyo, marami rin daw milyonaryong napapagaling ang mga ganu’ng manggagamot!

Sabi pa ng isang kausap namin, “May mga milyonaryong tinaningan na ng mga doktor na napapagaling ang mga albularyo. Si Kris na mismo ang nagsasabing hindi makita ang dahilan ng sakit niya, wala na raw cure ‘yun, remedy na lang ang maibibigay sa kanya.

“Masama bang malaman ng publiko na nagpapagamot na rin siya sa mga albularyo? Nakakaawa na kasi siya, sobrang payat na niya!” madiing pang sabi ng aming kausap.

Sa ngayon ay hindi pa bukas ang isip ni Kris na humingi ng tulong sa mga albularyo. Magpapagamot pa rin siya sa ibang bansa. Kailangan niyang magpalakas para sa kanyang mga anak na sina Josh at Bimby.

Sinabi rin ni Kris na isinuko na niya sa Diyos ang anumang maaa­ring mangayri sa kanya. Itinaas na raw niya sa Diyos ang kanyang kalagayan ngayon.

Sa kabila ng paghina ng kanyang katawan ay patuloy pa rin si Kris sa pagbibigay ng tulong para sa mga kababayan natin. Napakaganda ng ginagawa niya. Siya ang may kakayahang tumulong kaya siya ang nagbibigay.

Hindi tayo hinuhusgahan ng Diyos sa ating mga sinasabi, binabasa Niya ang laman ng ating puso, harinawang regaluhan si Kris ng Diyos ng matatag na kalusugan.

Makabawi sana siya. Madiskubre na sana ng mga doktor ang tamang gamot na makapagpapagaling sa kanya. Sobra pa sa sapat ang kanyang pera para mapagaling siya.

Pero sabi nga ng kaibigan na­ming propesor, “Money is not everything. Maraming hindi kayang bilhin ang pera. Good health is one.”

KRIS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with