^

PSN Showbiz

Korina pinangalandakang pinagpala, netizens nawindang tinawag na babaeng walang pakiramdam

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Korina pinangalandakang pinagpala, netizens nawindang tinawag na babaeng walang pakiramdam
Korina Sanchez.

Updated na kahapon ang caption ni Korina Sanchez sa kanyang bikini post sa Instagram and Facebook.

Iba kasi ang naging dating sa netizens ng nasabing caption ni Ms. Koring sa kanyang bikini photo. Animo raw kasi ay nagmamalaki ito.

Nag-trending pa ang nasabing post ni Ms. Koring na nabigyan ng ibang interpretation ng netizens.

Ang original na caption niya ay “IMAGINE. Lahat nagka covid na. Ako never pa. And Im ALL OVER. Thank you, Lord. Sadya akong pinagpala kase dami ko tinutulungan?”

Hanggang ginawa niyang “IMAGINE. Lahat nagka covid na. Ako never pa. And Im ALL OVER. Thank you, Lord. Sadya akong pinagpala kase baka nakakatulong yung may natutulungan din? Please bless and heal all those infected.”

Pero dismayado pa rin ang netizens at kinuyog siya at tinawag na insensitive.

Kaya nagkaroon siya ng updated caption na : “Thank you Lord. So many sick and infected. Ive never been positive—- even as Im all over for work I have to do.

“Frontliner pa ako ngayon sa househelp and driver ko. Help me help others through this pandemic. Kaya natin ito.”

Tili ng netizens, hindi na kailangang ipagsigawan ni ate Koring na may mga tinutulungan siya at hindi na rin niya kailangang ipamukha sa iba na pinagpala siya dahil hindi siya nagkaka-covid at madatung siya.

Marami raw ibang mga tumutulong pero hindi gumagamit ng megaphone para ipangalandakan sa bayan.

Wala raw talaga sa lugar ang mag-flex ng mga ganun na sabi naman ni Ate Koring ay “Miscalculation of words in caption. This is what I meant.”

Ahhh. Kung tutuusin, pinagpala naman siya dahil si Mar Roxas ang mister niya na ang pamilya ay literal na may-ari ng Araneta City.

May kambal pa silang anak na ang ku-kyut at matatalino pa.

Anyway, maalala ring nag-trending si Ms. Koring nang i-post niyang umiinom siya ng ivermectin every two weeks last July. “Am certified vaccinated. But am not totally immune to infection. So I STILL wear a mask and stay away from crowds. I take my Vit C, D and zinc daily. I take ivermectin every two weeks. I still quarantine and take Covid tests before joining groups. The BEST of life is yet to come. Let’s all be around when that happens,” medyo throwback na post niya.

 

vuukle comment

KORINA SANCHEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with