^

PSN Showbiz

Paolo at Yen, bakasyon sa Boracay!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Paolo at Yen, bakasyon sa Boracay!
Yen at Paolo

“Marami na namang Mosang,” sagot sa akin ni Paolo Contis kung totoo nga bang nasa Boracay siya ngayon kasama si Yen Santos.

Hindi naman niya kinumpirma sa akin kung nandun nga ba siya at kung kasama si Yen. Pero keber na ba natin!

Hindi natin alam kung anong meron sa kanilang dalawa, o as a friend lang ba ang bakasyong iyon. Parang napagod na nga ang ibang netizens sa kaku-comment at wala na silang pakialam.

Pagdating sa mga personal na isyu ni Paolo, hindi na talaga siya sumasagot.

Nabanggit lang niya noon na balak niyang tumawag sa Amerika para makausap ang anak nila ni LJ Reyes na si Summer, pero hindi na niya sinabi kung natuloy ba ang pagtawag niya, o nagkausap na ba sila ni LJ at ng anak nila.

Iyon na nga ang laging sinasabi ni Paolo, na sana ang pagiging aktor na lang daw niya, ang trabaho na lang daw niya ang punahin, at kung gusto siyang laitin, huwag na ang personal niyang isyu.

Pagdating naman kasi sa trabaho ni Paolo, pawang papuri ang naririnig sa kanya dahil ang galing nga niya sa drama series nila nina Heart Evangelista at Richard Yap, ang I Left My Heart in Sorsogon.

Sabi nga ni Paolo, mas madrama na raw ang mga susunod na tagpo nila sa seryeng ito.

Sa February na ito magtatapos at talagang kinarir daw niya ang drama scenes nila ni Heart.

Sen. Lito at Coco, nag-reunion sa pelikula

Bumalik ang interes ni Sen. Lito Lapid sa paggawa ng pelikula, kaya next year daw ay balak niyang mag-produce ng isang pelikulang posibleng idirek ni direk Brillante Mendoza.

Kasama si Sen. Lapid sa pelikulang ginagawa nila ngayon, ang Apag (Hapag) na pinagbibidahan ni Coco Martin, kasama sina Jaclyn Jose, Gladys Reyes at may special participation din sina Gina Pareño at Julio Diaz.

Puring-puri ng senador si direk Brillante, dahil iba raw ang sistema nito at medyo naninibago siya, pero maganda naman daw ang kinalabasan. “Gusto ko pa rin magpa-direk kay Brillante Mendoza. Nakita ko kasi napaka-relax niya magdirek. Hindi nahihirapan ang artista, paro napakagandang gumawa. Mabusisi, matiyaga, maselan, pero maganda. Hindi puwede sa kanya ‘yung puwede na ‘yan,” pakli ni Sen. Lapid sa kanyang pa-Thanksgiving sa mga movie press nung nakaraang Miyerkules na ginanap sa Max’s Restaurant sa Quezon City.

Ang laki ng pasasalamat niya na napasama siya sa pelikulang Apag, dahil muli raw silang nagkasama ni Coco na naging ka-close niya sa Ang Probinsyano. “Nung in-offer sa akin ‘to, tapos rekomendado pa ako ni Coco, sabi ko sige okay. Kaya tinanggap ko agad,” pakli ni Sen. Lapid.

Hanggang 2025 pa ang panunungkulan ni Sen. Lito Lapid sa Senado at tahimik lang daw siya, pero marami na raw siyang bills na naipasa at naisabatas. Siya lang daw ang tipong tahimik lang at hindi sumasabay sa ibang Senador na nakipagbalitaktakan sa mga isyu o kasong pinag-uusapan.

“Hindi ako nakikipag-ano sa imbestigasyon sa Senado. Hindi ako nakikipag-away. Kasi kami recommendatory lang kami. Nagri-recommend lang kami, hindi naman namin puwede magkaso. Kung ano ang lalabas dun…ayokong may magalit sa akin. Kasi pansamantala lang ako dito eh,” saad ng Kapampangang Senador.

Wala naman daw siyang hangad ng mas mataas na posisyon. Masaya na siya na-achieve niya sa kanyang political career.“’Yung maingay sa Senado, siguradong may pangarap ‘yun. Ako, wala ho,” diretsong pahayag ni Sen. Lapid.

Aware naman daw siyang marami ang nagmamaliit pa rin sa kanya, dahil sa artista siya. Pero hindi raw siya ang tipong nag-iingay. Basta nagtatrabaho raw siya at hindi na kailangang ipagyabang ang mga naipasa niyang bills sa Senado. “Ang dami namang magagaling na artista. Siguro, isa ako dun sa kinukutya, eh hindi ako nakapag-aral, dahil High School graduate lang ako, hindi ako marunong mag-English, at hindi ako marunong maki­pagdebate sa mga magagaling dahil puro abogado ‘yun.

“Kung tutuusin, almost 30 years na ako sa pulitika. Siguro kung nag-aral ako ng doktor, tapos na rin ako. Kung nag-aral ako ng abogasiya, tapos na rin ako,” pahayag ni Sen. Lapid.

Hindi na lang daw niya pinapansin ang namba-bash sa kanya dahil hindi naman daw niya kilala ang mga ito, at wala siyang social media account.

“Kasi makikipag-away ka lang dun eh. Ano ang makukuha mo? Hindi mo naman sila kilala. Eh di magtrabaho sila. Siguro, kung tinitira nila ako, baka inggit lang sila,” saad ni Sen. Lapid na ineendorso rin ang kanyang Pinuno Partylist.

PAOLO CONTIS

YEN SANTOS

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with