^

PSN Showbiz

Bea, biglang naging daring kay Dominic!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Bea, biglang naging daring kay Dominic!
Dominic at Bea
STAR/ File

Napansin din pala ng followers nila Bea Alonzo at Dominic Roque iyon parang OA na sweetness nila sa mga pictorial.

Kahit ako nagugulat na para bang mga posing na ng mag-asawa ang ginagawa ng dalawa. Meron pa nga silang isang photo kung saan nakahiga si Dominic at nasa tabi niya si Bea na naka-shorts na kung malisyosa ka iisipin mo na meron silang ginawa bago nag-pictorial.

Para ngang medyo very daring iyon mga photo nila together. Meron ka ngang parang maiisip na para bang gusto lang ipakita ni Bea kay Gerald Anderson na naka-move on na siya sa ghosting nito. At para naman very unfair kay Dominic na nagagamit siya kung totoo nga ito.

Para kasing hindi usual Bea iyon nakikita mo sa mga pictorial ngayon, or baka ito naman ang tunay na Bea, very passionate at touchy.

Hindi rin natin alam dahil pictures can say a thousand words di bah! Bongga nga, mas parang wild pa si Bea kay Julia Barretto lately or hindi lang showy si Gerald at mas wild si Dominic. Hahaha.

‘Thank you lt and Amy’

Birthday nila Lorna Tolentino at Amy Austria ang month ng December.

Sabi nila basta raw December born, kalmante, sweet at very loving person.

Siguro nga totoo dahil nakita ko naman ang mga quality na iyan kina Lorna at Amy. Very caring sila sa friends nila lalo na sa mga taong mahal nila.

Kung minsan nga, too sweet to a fault kaya nagkakaroon din sila ng disappointment sa iba nilang minahal na kaibigan. They are both growing old grandly, enjoying their mga apo at iyon memories ng naging colorful life nila. Colorful dahil nag-enjoy din sila ng kanilang career at suwerte rin matatawag na nagkaroon sila ng the one na talagang minahal at nagmahal sa kanila.

Both ladies are good people, kaya naman siguro mayroon man naging down time sa life nila, most of the time, mas happy sila. Suwerte ko dahil mga ‘anak’ ko sila. I saw their lows, but was also with them thru their highs. Kasali sila Lorna at Amy sa mga angels ko rito sa earth, and very thankful that God gave me a chance to care for them, and them to care for me.

Happy birthday Lorna and Amy, and thank you for the love and trust. Forever grateful.

BEA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with