^

PSN Showbiz

Pelikula ni Yorme, next year na ipalalabas!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon

Patapos na ang taon, kaya wala na talagang Pista ng Pelikulang Pilipino ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) na dapat ay naka-schedule nung November. Nagsisimula pa lang lumuwag noon at tamang-tama naman nagbukas na ang mga sinehan nung November 10. Pero hindi pa rin natuloy ang PPP dahil wala pa palang partisipasyon sa kanila ang mga sinehan.

Mas pinapa-prioritize pa nila ang pagpapalabas  ng mga malalaking Hollywood films.

At hanggang ngayon ay wala pa ring local film na ipinalabas sa mga sinehan, at hindi pa rin diumano nag-comit ang mga theater owner na makikiisa sila sa PPP.

“We’ve writing to them. We’ve got the reply na you know, siyempre pinapa-prioritize muna nila ang pag-open ng mga ci­nema. Siguro marami pang nakabinbin na pelikulang nag-aantay na lang na ma-screen. Kami naman, we’re just here. Everything that FDCP does is really in support of our producers para maiangat lalo ‘yung ating industriya para tulungan makabangon. We will always make it as a way for us to help our producers. So, we’re waiting. Kasi kung hindi namin sila kasama rito, hindi namin matutuloy ang Pista ng Pelikulang Pilipino,” pahayag ng FDCP Chair Liza Dino sa programa namin sa DZRH nung nakaraang Martes ng gabi.

Sa tono ng mga sagot ni Liza, tila hindi niya nakukuha ang kooperasyon ng mga theater owners. “Nag-reply naman sila. Nandun naman yung kanilang intention to still support our industry. Siguro priority nila ngayon is just to comply with the protocols of the government to make sure na lahat sila ay papayagan ng LGUs na meron silang safety seal…and ‘yun nga ‘yung campaign din ng FDCP na Nood Tayo ng Sine na talagang urges the cinemas na hindi lang pang-one time eh, kundi long time na plano dito.

“We respect their decision, but of course we will never stop no? Magpa-follow up pa rin kami kasi ang dami din naming nakaplano for PPP 2022 kasi may nakakakuha na rin tayong funding galing sa government natin. So we hope that this is also something that will help jump start,” dagdag na pahayag ni FDCP Chair Liza.

Sa totoo lang, mag-iisang buwan nang bukas ang mga sinehan, wala pa ring mga pelikulang lokal na ipinalalabas. Dapat ay nung December 1 ang showing ng Yorme: The Isko Domagoso Story, pero hindi ito natuloy. Napagpasiyahan ng Saranggola Films na i-move na sa January 26 next year ang showing nito.

Ang buong akala namin, wala na silang makukuhang sinehan dahil sa kasabay nito ang Marvel movie na Eternals, pero nilinaw naman sa amin ni direk Joven Tan na mismong si Mayor Isko na raw ang nakiusap na i-move na lang dahil gusto niyang maraming mga batang makakapanood ng pelikulang ito.

Winwyn iniintrigang isang ina na!

Ang mga co-star ni Winwyn Marquez muna ang involved sa pagsisimula ng promo ng pelikulang Nelia.

Pero hinahanap na si Winwyn, kung magiging visible pa siya sa promo ng pelikulang kalahok sa Metro Manila Film Festival.

Nung huling nakatsikahan namin ang isa sa co-star nito na  si Shido Roxas, wala raw talaga siyang ideya kung bakit hindi pa nagpapakita si Winwyn.

Nagulat nga raw siya nang hinanap ito sa kanya nung nakaraang announcement ng MMFF entries. “Walang etchos to. Hindi talaga ako ma-showbiz na tao.  Pero about Winwyn naman, I do not have any idea. You can see it through my eyes, wala po akong idea talaga,” seryosong sagot sa amin ni Shido.

Kasama ng aktor ang producer nilang si Atty. Aldwin Alegre ng A&Q Production, Films Incorporated, at sinabi niyang nagkakausap naman daw sila ni Winwyn.

Nag-promise daw ang aktres sa kanya na tutulong ito sa promo at darating siya sa presscon nila next week. “Nagkausap naman kami. Maayos naman. She’s willing to help. Inaayos lang talaga yung scheduling. Pero at the end of the day talaga, tutulong siya,” pahayag ni Atty. Alegre.

Kaya abangan kung talagang lalabas pa si Winwyn at sasagutin kaya niya ang tanong ng karamihan kung totoong isa na siyang Mommy.

FDCP

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with