^

PSN Showbiz

Aktres, marami nang nakaaway dahil sa pagmamahal sa karelasyon

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Kumbaga sa binhi ay napakatibay raw ng kapit ng isang male perso­nality sa sinapupunan ng isang pamosong aktres. Kahit daw scientist ay masisira sa pagdiskubre kung anong karisma meron ang lalaki para mapaibig nang todo ang aktres.

Sa isang umpukan ng mga artista (na sumusunod naman sa health protocols habang magkakaharap sila) ay inanalisa nila kung ano nga bang milagro ang naganap sa pagitan ng dalawang personalidad at hindi sila mabaklas-baklas sa isa’t isa.

Napakarami nang nakiusap sa female personality na hiwalayan na ang lalaki para maging maayos ang buhay at career niya. Pero bulag at bingi ang aktres.

Lumalabas-pumapasok lang sa magkabilang tenga niya ang mga payo, wala siyang sinusunod, talagang hindi man sila umaamin tungkol sa kanilang relasyon ay sila pa rin hanggang ngayon.

Kuwento ng aming source, “Matibay talaga ang kapit nu’ng lalaki sa sinapupunan ng girl! Nangawit na ang lahat ng mga kaibigan ng aktres sa kakakausap sa kanya, pero walang nagwagi, tengang-kawali lang ang female personality.

“Nagagalit pa nga siya kapag pinagpapayuhan siya, ano raw ba ang ginagawa sa kanila ng male personality, sinasaktan daw ba sila?

“Palaging ganu’n ang nangyayari, ang mga nagmamalasakit pa sa kanya ang napapasama! Wala talaga siyang pinakikinggan!” parang sumusuko nang komento ng aming impormante.

Nagkawindang-windang ang buhay ng female persona­lity dahil sa kanyang kasama sa buhay. Pati ang karera niya ay hindi makaalpas dahil parang merong humaharang.

Kuwento pa uli ng aming source, “Alam n’yo nang isinakripisyo niya ang napakatagal na nilang pagkakaibigan ng isang veteran actress nang dahil lang sa lalaking ‘yun?

“Sinabihan kasi siya ng friend niya na ang lalaking ‘yun ang malas sa buhay niya. Ay, nagalit ang female persona­lity! Mula nu’n, e, tinabla na niya ang beteranang aktres na napakatagal na niyang kaibigan!

“Basta, kahit sinong kumokontra sa guy, siguradong kaaway na ang turing niya! Buburahin na niya ‘yun sa listahan niya! Grabe talaga ang tindi ng sikreto ng lalaki kaya hindi siya maiwan-iwan ng aktres, di ba?

“Matagal nang sumuko ang mga friends niya, pati mga katrabaho niya, lalo na ang mismong pamilya niya sa kakakausap sa kanya. Hindi niya talaga kayang iwan ang guy, mahal na mahal niya ang guy, sa totoo lang!”

Ubos!

JC at Yassi, nagpaiyak sa k-adaptation

Kung gusto ninyong maglinis ng mga mata sa pamamagitan ng pagluha ay pakihanap po ninyo sa VivaMax ang pelikulang More Than Blue na pinagbibidahan nina JC Santos at Yassi Pressman.

Makabuluhan ang proyekto sa direksiyon ni Nuel Crisostomo Naval. Walang sayang na eksena. Hindi rin mababalewala ang inyong panahon.

Napakahusay nina JC at Yassi sa pagganap bilang matalik na magkaibigan na may lihim na pagmamahal sa isa’t isa. Istorya ito ng isang dakilang pag-iibigan sa kanilang sumpaan na hindi sila kailanman mag-iiwanan.

Kahit kailan ay hindi binibigo ni JC Santos ang kanyang manonood. Sa kanyang simpleng pag-arte na punumpuno ng emosyon ay sinabi ng kaibigan naming napakapanood ng More Than Blue, I didn’t cry a river. I cried an ocean.

Pinantayan ni Yassi ang pagganap ni JC, silang dalawa ang nagpapagali­ngan sa mga eksena, kaya ang manonood ang nabiyayaan sa kanilang husay sa pagganap.

Napakahusay ng pagkakalatag ng istorya, nilaro pa ng editor ang mga noon at ngayon sa kanilang buhay, at noon pa man ay itinatangi na namin si Direk Nuel Naval sa paghawak ng pelikula.

Sa isang eksena ay ihinahanda na ni JC si Yassi sa kanyang pamamaalam dahil sa cancer. May taning na ang kanyang buhay. Siya pa ang humanap ng lalaking magmamahal kay Yassi kapag wala na siya (Diego Loyzaga).

Sabi ni Yassi, “Huwag mo akong kakalimutan kahit saan ka magpunta, ha?” Lumuluhang sinagot ‘yun ni JC sa kanyang isip lang, “Hindi lang kita hahanapin. Ipapakiusap pa kita sa Diyos.”

“Naniniwala ka ba sa reincarnation?” tanong ni Yassi. Ang tugon ni JC, “Sige, magiging unan ako para palagi mo akong kayakap.”

Tapos mo nang panoorin ang More Than Blue ay iyak ka pa rin nang iyak. Nag-uunahan pa rin sa pagbagsak ang sipon sa dalawang butas ng ilong mo sa sobrang lungkot.

Haaaayyyy….

 

vuukle comment

ACTRESS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with