_ngayon
^

PSN Showbiz

Rayver, tinalo ni Bea; Paolo kinakahiya si Yen?!

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Rayver, tinalo ni Bea; Paolo kinakahiya si Yen?!
Bea
STAR/ File

Ahh tinanggihan pala ni Bea Alonzo ang offer na mini series na katambal sana si Rayver Cruz.

Yup, ayon sa source ng Take It... Per Minute, Me Ganun, tatlong actor lang diumano ang kasama sa choices ni Bea na bagong Tanduay calendar girl na hindi rin natuloy kagabi ang nakatakdang press launching.

At ang lucky 3 diumano na pasok sa listahan ng mahusay na actress - Dingdong Dantes, Alden Richards and John Lloyd Cruz.

“Parang gusto talaga ni Bea na maka-partner lang dun sa project niya si John Lloyd Cruz,  si Alden tapos si Dingdong Dantes,” hirit ni Nay Lolit.

“Oo,  kasi parang ‘yung tatlong ‘yun, para sa kanya, talagang parang hari.”

Pero ‘yun nga, malabo raw makatambal ni Bea si Dingdong dahil hindi-hindi diumano papayag si Marian. Hahaha.

Though may pagtatambalan naman daw silang pelikula ni John Lloyd at ni Alden.

Hanggang napadako ang topic nila kahapon kay Paolo Contis na hindi pa rin pala kinakausap ang manager niyang si Nay Lolit hanggang ngayon.

Sabi raw kasi ni Paolo, lahat nang sinasabi niya ay idinadakdak niya (Lolit) kaya ayaw na siya nitong kausapin.

Pero ang isang pinupuri ni Nay Lolit, Nay Cristy Fermin and Mr. Fu ay ang magandang role ni Paolo sa teleseryeng I Left My Heart in Sorsogon nila nina Heart Evangelista and Richard Yap.

“Oo, ayaw talaga akong kausapin. Talagang lahat daw nang sinasabi niya sa akin, kinukuwento ko kasi. Saka kasama raw niya ang mommy niya ngayon. Baka raw ma-stroke sa pinagsasabi ko, hahaha,” chika pa ni Nay Lolit.

So sinong kinakausap niya, sabi ni Mr. Fu : “Naku si Yen Santos na kinahihiya naman niya dahil hindi niya maamin noh.”

“Iniwan na ba talaga ni Yen Santos yung kanyang mayamang producer na jowa?,” tanong ni Nay Cristy.

“Mayaman din naman kasi si Paolo eh. Mayaman siya sa utang. Hahaha,” pagbibiro ng manager na si Nay Lolit

So ano na nga bang relasyon nila ni Yen? “Baka nagtitikiman,” hirit uli nito,

“Paolo Contis, Yen Santos nagtitikiman lang - Lolit Solis.  Nakabuo na tayo ng isang magazine. Nagtitikiman lang,” sabi uli ni Nay Cristy.

Pero sabi nga ni Nay Lolit, dumating naman sa point na talagang seryoso na si Paolo kay LJ Reyes.

Anyway, ‘yan at marami pang iba ang hinimay-himay at pinag-usapan sa episode 121 ng TIPMMG kung saan din nagkaroon ng ‘unofficial’  ‘launching’ ang cosmetics line ng Beautederm ni Ms. Rei Tan na magbi-birthday ngayong araw.

Ito yung Mardi color cloud tint na puwede sa cheeks, eyelids and lips.

Puwedeng maki-team replay na sa Facebook page at YouTube channel ng Pilipino Star NGAYON.

BEA ALONZO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with