^

PSN Showbiz

Tony at Enchong, parehong nasa hot water!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pilipino Star Ngayon
Tony at Enchong, parehong nasa hot water!
Tony

Sabay pang nahaharap sa kaso ngayon sa korte ang dalawang male stars.

Isinampa ng piskalya ng Makati ang kasong “acts of lasciviousness” laban kay Tony Labrusca, na isinampa ng isang babae laban sa kanya. Sinabi ng babae sa kanyang sumbong, na pinatotohanan din ng limang iba pang saksi pati ang host ng party na si Drake Ibay, na hinablot ng lasing na si Labrusca ang strap ng damit ng babae kaya lumabas ang dibdib noon at pagkatapos ay hinila iyon para kumandong sa kanya.

Pinasinungalingan iyan ni Labrusca, na nagsabing hindi niya kasalanan na napatid ang strap ng damit ng babae at iyon daw ay kusang kumandong sa kanya.

Sa depensa rin ng kanyang abogado, tumagal daw bago naghain ng demanda ang complainant at lampas na sa prescribed period sa paghahain ng kaso, pero mas kinatigan ng piskalya ang mga complainant kaya’t ang kaso ay kailangan nang harapin ni Labrusca sa korte.

Bukod doon, hinihiling pa ng nagdemanda na ilagay si Labrusca sa “hold departure order.”

Si Labrusca ay isang US citizen.

Isang bilyon naman ang hinihingi ni Congresswoman Diana Lim sa male star na si Enchong Dee, matapos na sabihin noon sa social media na diumano, pera ng bayan ang ginastos sa marangyang kasal ng congresswoman sa Balesin. Sinabi ng congresswoman na sinira ng male star ang kanyang pagkatao dahil sa walang basehang comment.

Sa natatandaan namin, nag-apologize na si Enchong sa social media rin dahil sa nasabi niyang iyon, siguro hindi siya aware na ang pag­hingi ng apology ay pag-amin ng kasalanan at iyon mismo ay magagamit laban sa kanya. Ngayon kailangan niyang harapin ang kaso na isinampa sa korte sa Davao Occidental.

Si Tony Labrusca, lasing diumano nang gawin ang naging sumbong sa kanya.

Nakakalungkot naman na nangyari ang mga kasong ganyan, lalo na nga ang nangyari kay Enchong, pero kailangan din para maintindihan nila na ang freedom of speech ay may kaagapay na responsibilidad.

Hindi lang ang nasa lehitimong media kagaya ng diyaryo ang dapat managot, ganoon din ang nasa social media.

Takot na sa lockdown... film producers, hanggang indie muna ang ginagawa

Kahit na sinasabing sa Disyembre ay magi­ging Alert Level 1 na ang NCR, at maaaring payagan na ang 100% capacity sa mga sinehan, bantulot pa rin ang producers at malala­king artista na sumali sa MMFF.

Hindi mo alam eh, ilalagay nila iyan sa Alert level 1, tapos sumirit na naman ang COVID na may bagong variant na naman daw na hindi natin alam kung mapipigil ng bakuna, eh di balik na naman tayo sa lockdown.

Kaya ang producers, ang inihahanda ay iyong kanilang mga indie na ang talagang plano ay ilalabas lamang sa streaming platforms. Eh kung sa internet walang nanood, sa sinehan pa ba na mas malaki ang bayad?

Naninibago rin ang mga nanonood ng sine. Mahigit silang isang oras na nakaupo, pero bawal ang softdrinks at popcorn, at bawal ding mag-alis ng face mask. Eh di maganda pa nga namang manood na lang ng TV habang kumakain ka ng masarap sa bahay mo.

Aktres, nilalantad na ang totoong pagkatao ng ex

Kung magsalita ang isang female star, parang diring-diri siya sa sa dati niyang syota. Ngayon ina­amin na niya ang matagal na tsismis na minsan ay “may putok” iyon. Hindi rin daw niya masikmura na maski na mag-on sila ay pumapatol iyon sa mga bakla.

Pero nakakatawa, ngayon ay ganyan na ang sinasabi ng female star, samantalang noong araw, kapit-tuko siya at patay na patay sa kanyang poging boyfriend. Pero masakit nga siguro ang kanyang na-realize, na hindi naman ganoon ka in-love ang male star sa kanya at gusto lang siya dahil pinakikinabangan siya. Noong bumaba na rin ang kanyang popularidad, inayawan na siya ng boyfriend niya.

Ngayon gumaganti naman siya, inilalabas na niya ang mga kasiraan ng dati niyang boyfriend.

TONY LABRUSCA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
no session for state
no session for code
no session for id_token
no session for user