Pintor/pastor, naghihintay pa rin sa sinisingil na P200k kay Jinkee

Jinkee at Jo Florendo.

Naghihintay pa rin si Pastor Gene Leysa, na isa ring visual artist, sa sinisingil niyang P200,000 para sa portrait ni presidentiable Manny Pacquiao at Jinkee Pacquiao.

Three weeks ago nga nang dumalaw si Pastor Gene sa Obra Ni Nanay Gallery (na pag-aari ni Nay Cristy Fermin) bago nag-umpisa ang digital program nina Manay Lolit Solis, Manay Cristy Fermin and Mr. Fu, na Take It... Per Minute, Me Ganun, tuwing Martes ng tanghali, kasama ang isa pang pintor na si Jo Florendo kung saan naalala niya na may ginawa siyang portrait ng mag-asawa noong 2016.

Ikinuwento nga ni Pastor na ipinakita niya ito sa mag-asawa, sa General Santos, at sinabi diumano ni Jinkee na pababayaran niya kay Sen. Manny ng P200,000 – 3x4 feet ang sukat.

Nakailang beses na siyang naningil, pero hindi pa rin diumano siya nababayaran hanggang ngayon.

Hindi naman daw siya galit, pero sana raw mabayaran siya dahil malaking bagay ang P200K hindi lang para sa kanya, kundi sa church na pinagsisilbihan niya.

Nabanggit na niya na nawalan na siya ng pag-asa na babayaran siya pero naalala nga raw niya lalo na nga’t kabi-kabila ang balita na namimigay ng pera si Sen. Manny at presidentiable sa mga lugar na pinupuntahan niya.

Sana raw talaga makasingil siya at mabayaran siya dahil malayo ang mararating ng nasabing halaga ‘pag nakuha niya dahil nang huli siyang dumalaw sa Take It... last week ay hindi pa rin daw siya nababayaran.

Show comments