^

PSN Showbiz

Aktres pinalabas sa bubble dahil sa sakit; aktor tumakas sa lock-in!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon

Nagkaroon pala ng problema sa lock-in taping ng isang drama series dahil sa ilang miyembro ng cast na kailagangang palabasin sa bubble.

Isang aktres na hindi pa masabi kung ano talaga ang karamdaman ay pinayagan daw na umalis muna sa ta­ping. Hindi naman nagka-COVID 19, pero natatakot daw  sila kung ano ang karamdaman nito na kailangan talaga niyang ma-hospitalize.

Sobrang sakit na raw ang nararamdaman ni aktres sa ilang bahagi ng katawan, pero hindi lang masabi ng aming source dahil hindi naman daw niya alam.

Kailangan daw talaga siyang ipa-check up. Kaya pinayagan itong lumabas. Wala lang kaming ideya kung sandali lang o pababalikin pa siya sa lock-in taping.

Pero mahirap din kung ibabalik siya, dahil kailangan niyang dumaan uli sa quarantine.

Ganyan ang nangyari ngayon sa isang aktor na bahagi rin sa drama series na iyun. Nakarating sa production staff na tumakas pala sa location itong si aktor na hindi alam kung saan pumunta.

Apat na oras daw itong nawala at nakarating ito sa production staff. Kaya hindi na muna siya isinama sa taping.

Ibinalik siya pagkatapos ng ilang araw na quarantine, para matiyak na negative siya at hindi nagdala ng virus mula sa labas.

Kaya nasayang ang ilang araw na  mapapagkakitaan na taping ni aktor dahil  kailangan muna niyang i-quarantine.

Hindi pa alam ng aming source kung saan pumunta si aktor at ano ang ginawa sa apat na oras na inilagi niya sa labas ng lock-in taping.

Knows kaya ng dyowa niya?

Lokal bersyon ng Squid Game, bumenta

Ang lakas nitong bagong content sa You Tube channel ng social media influencer na si Donnalyn Bartolome.

Ginawa niya ang Pinoy version ng sikat na Korean drama series na Squid Game. Tinawag niya itong Filipino Squid Game with the Twist.

In fairness naman kay Donnalyn, may production at talagang ginastusan niya ito at kasali rito ang mga sikat na character sa naturang series na pinangungunahan ni Baron Geisler na ginampanan niya ang bidang karakter na si Seong Gi-Hun. Sinundan ni Paul Salas bilang si Cho Sang-Woo.

Meron din silang si Kang Sae-byeok na lalaki ang pinaganap nila na si Richard Juan. Ang Tiktoker na si Marvin ‘Bhie’ Fojas si Abdul Ali, ang matandang si Oh Il-nam ay ginampanan ni Rastaman, si Coleen ng MNL48 naman si Ji-yeong, at ang maangas na si Jang Deok-su ay ginampanan naman ni Ghostwrecker at si Donnalyn na rin ang gumanap na malditang si Han Mi-nyeo.

In fairness,  nakuha nila ang karakter at halos kamukha nila ang mga sikat na karakter na iyun sa Squid Game.

Sa loob ng isang araw pa lang ay halos naka-4M views na ito at nag-number one trending sa You Tube.

Pero naputol ito at hindi pa naipalabas ang part two na ang sabi ng ibang bloggers, mismong ang You Tube na raw ang nagtanggal.

Meron daw eksenang may kahalayan na hindi raw na-edit out, at hindi raw ito pinalusot ng You Tube.

Nandun din si Boobsie na ginawa nilang doll doon sa unang game na Red Light, Green Light.

SQUID GAME

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with