^

PSN Showbiz

Handang gastusan para gumaling...Ivana, naiiyak ‘pag nakikitang nanghihina ang kapatid na si Mona

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Handang gastusan para gumaling...Ivana, naiiyak �pag nakikitang nanghihina ang kapatid na si Mona
Mona at Ivana.

Kamakailan ay pumutok sa social media ang pagkakaroon ng diabetes ng nakababatang kapatid ni Ivana Alawi na si Mona. Para sa aktres ay gagawin niya ang lahat upang maipagamot ang kapatid. “Minsan nga sinasabi ni Mona, ‘Ate tama na, ang mahal nito. Ang mahal ng ganyan.’ Sabi ko, ‘Mona, kaya nga ako nagtatrabaho because I want to give you the best.’ Bakit pa ako nagtatrabaho kung hindi ko naman ibibigay sa pamilya ko. That what inspires me. Mona, my mom, my brother, my sister,” paglalahad ni Ivana.

Ayon kay Ivana ay talagang napapaiyak siya sa tuwing nasasaksihan na nanghihina ang pangangatawan ni Mona dahil sa karamdaman. “Umiiyak na lang ako. Sabi ko, ‘Mona, lumaban ka!’ Kasi minsan may mga time na pinanghihinaan siya ng loob, na parang puro sakit. Everyday, all she feels is pain,” pagbabahagi ng sexy actress.

Matatandaan na nitong Mayo lamang ay malungkot na ibinahagi ni Ivana sa netizens kung bakit hindi na nakakasama si Mona sa kanyang video blogs. Sa ngayon ay tuluy-tuloy pa rin ang pagpapagamot ni Mona pero nakikita naman ni Ivana na bumubuti na ang kalagayan ng kapatid. Nakakasama na rin paminsan-minsan ni Ivana si Mona sa vlogs.

Jason, abala sa photography

Bukod sa pagkanta ay mayroon na ring ibang bagay na kinahihiligan ngayon si Jason Dy. Abala na rin ang singer sa pagkuha ng mga larawan o photography. “Ako kasi mahilig lang akong gumawa. Hindi kasi ako mapakali, parang gusto ko laging may ginagawa. Lalo na ngayong panahon ng pandemic. Tinry ko rin dati nagpi-painting ako. Ngayon naman nag-umpisa lang siya. Kasi gusto ko ng bagong pictures ng sarili ko. Kasi kailangan ko ng promotional materials. So sabi ko may camera nga pala ako, so praktisin ko lang muna,” pagbabahagi ni Jason.

Natuto umanong kumuha ng mga maayos na anggulo para sa mga larawan ang binata sa pamamagitan ng mga video na napanood sa YouTube. “Puro tutorial, self-learn lang talaga. siyempre laking tulong din ni mama kasi si mama na ‘yung naging assistant ko na rin. After ko na picture-an ko ang sarili ko, si mama naman ‘yung sumunod,” dagdag niya.

Ngayon ay nagsasanay na rin si Jason sa pagkuha ng larawan ng mga ibang tao. Kapag mayroong pagkakaton ay kinukunan ng singer ang mga kasamahan sa trabaho. “Kapag nag-a-ASAP kami backstage, ayan dinadala ko ang camera ko at sinisiko ko lang sina KZ (Tandingan). ‘KZ, picture-an kita sa likod.’ Si Erik Santos na-picture-an ko na for birthday post niya,” kwento pa ng singer. Reports from JCC

 

vuukle comment

IVANA ALAWI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with