_ngayon
^

PSN Showbiz

Ogie, hinihiritang maging regular sa showtime!

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Ogie, hinihiritang maging regular sa showtime!
Ogie
STAR/ File

Natupad ang pangarap ni Ogie Alcasid na maging host ng It’s Showtime kahit pansamantala lang, nang i-welcome siya ng hosts ng prog­rama noong Sabado (Okt. 2).

Inamin ni Ogie na matagal na niyang gustong makasali at makasama ang masayang grupo ng noontime show at hindi lang umupo bilang hurado sa Tawag ng Tanghalan.

“Kapag nandoon ako sa hurado, nabibitin ako. Gusto ko rin makipagsayawan,” saad niya.

Aliw na aliw ang mga manonood dahil swak ang mga hirit, patawa, at istilo ni Ogie sa pagho-host sa mga kasamahan niya sa programa. Natuwa naman si Amy Perez na hindi lang siya ang maituturing pinaka-senior sa mga host sa programa.

Ngunit sa Madlang Pi-poll portion, napansin ni Vhong Navarro na tila naninibago si Ogie dahil maraming senyales mula sa staff. Natawa na lang si Ogie at sinabing, “Ang daming nangyayari. Nalilito ako. Ang daming ilaw. Sige lang, nagpapadala lang ako sa hangin.”

Gayunpaman, bumuhos pa rin ang magagandang papuri ng netizens sa pagho-host ni Ogie at hiniling na maging mainstay siya ng noontime show.

Bukod naman sa hosting ni Ogie, tinutukan din ng viewers ang monthly finals ng Reina ng Tahanan.

Hinirang ang Caviteñang si Lilia Alban bilang Reina ng Tahanan monthly winner matapos makakuha ng 93.7% mula sa combined scores ng mga hurado. Bilang Reinanay of the Month, nakapag-uwi si Nanay Lilia ng P30,000, sash, scepter, at amber crown.

OGIE ALCASID
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with