Bea, gaganap na ‘angel warrior’ sa WW2 movie

Bea

Si Sen. Manny ang producer...

Speaking of Bea, pa-guest guest pa lang si Bea lately matapos siyang ma­ging Kapuso pero ang update niya after ng guesting sa Mars Pa More, may gagawin siyang war movie. ­“And the secret is out!! Yes, I’ll be doing a World War 2 film soon. I’ll keep you posted about the future developments.”

Angel Warrior diumano ang title nito at kasama sa mga producer si Sen. Manny Pacquiao na officially retired na sa pagbo-boxing.

Gagampanan ni Bea sa movie ang character ni Tala na isang Filipina na muntik mamatay na naging basehan para maging isa siya underground fighter ayon sa report ng GMA.com.

Aside from this, wala pang sinasabi ang GMA kung kailan siya gagawa ng teleserye katambal si Alden Richards ganundin ang pelikula nila ng aktor.

Show comments