Alden at Kathryn, waging movie loveteam

Alden at Kathryn.

Wagi na naman ang Asia’s Multimedia Star na si Alden Richards matapos siyang tanghaling Movie Actor of the Year sa 36th PMPC Star Awards for Movies na ginanap the other night.

Pinarangalan si Alden para sa kanyang pagganap sa 2019 film na Hello, Love, Goodbye.

Itinanghal din silang dalawa ng aktres na si Kathryn Bernardo bilang Movie Loveteam of the Year para pa rin sa nasabing pelikula.

Wagi namang Best Actress si Sylvia Sanchez para sa pelikulang Jesusa.

 Dahil dito, inulan sila ng pagbati mula sa fans at mga malalapit na kaibigan sa industriya.

 

Show comments