Kris tuloy na ang kasal bukas kay Perry!

Kris at Perry
STAR/ File

Tuluy-tuloy na ang kasal nina Kris Bernal at Perry Choi bukas na gaganapin sa Magallanes Church. Iyon nga lang limitado talaga ang mga imbitado, kaya pamilya at entourage lang ang magiging bahagi ng seremonya.

Excited na si Kris dahil dalawang beses nang na-postpone ang kanilang kasal dahil sa pandemya.

Lumuwag na nang konti ang quarantine classification sa NCR, kaya matutuloy na sila ng Sept. 25.

Natawa si Kris sa akin nang tanunging ko ang tungkol sa ipinost niya sa kanyang vlog ang wedding gown reveal. Pero natapos namin ang buong vlog, wala namang gown na na-reveal. Ipinakita lang dung nagpasukat na siya kay Mak Tumang na gagawa ng gown niya. Idinaan pa pala niya sa botohan ang pagpili ng designer, at si Mak ang nanalo sa botohan.

Ipinaliwanag naman ni Kris ang gusto niyang gown, pero hindi naman naipakita sa kanyang vlog. Pero tapos na tapos na raw ang gown at excited na siyang isuot ito bukas.

Marco, sinagot ang pambabara ni Kuya Kim

Si Kim Atienza ang isa sa nag-react sa mensaheng ipinarating ni Marco Gallo sa dati niyang ka-loveteam na si Kisses Delavin. Naungkat kasi si Kisses sa nakaraang mediacon ng pelikulang Ang Mananganggal na Nahahati ang Puso na kung saan kabilang doon si Marco.

Tinanong si Marco kung anong mensahe ang gusto niyang iparating kay Kisses na kasali ngayon sa Miss Universe-Philippines.

Sabi ng aktor; “Kisses, post a little bit of your life more. All we see on your Instagram are Colgate and Palmolive. That is all we see, your sponsors. Post a little bit of your life. We do not know anything about your life anymore.”

Ang daming fans ang nag-react at ang iba ay hindi nila nagustuhan ang pahayag ni Marco. Isa nga sa nag-react ay si Kuya Kim.

Ani Kuya Kim; “Your private life need not be shared on social media Marco. She is blessed she has lots of endorsements. You should be happy for her. Back to you guys.”

Nakatsikahan namin si Marco sa DZRH noong nakaraang Miyerkules, kaya hiningan namin siya ng reaksyon sa sinabing ‘yun ni Kuya Kim. Ani Marco; “I never said that I wasn’t happy for her. I mean, I was just saying as a friend. I was just saying, it would be interesting… you know, you look your old school friends and you catch up what’s going on with their lives, that’s all I meant.”

Ewan ko kung nairita si Marco sa komentong ‘yun ni Kuya Kim kaya medyo matalas na ang mga kasunod niyang pahayag.

Hindi naman daw niya itinatangging nagkaroon ng ‘di magandang nakaraan noon sa kanila ni Kisses, kaya wala na silang komunikasyon.

Masaya raw siya para kay Kisses na alam niyang kasali ito sa Miss Universe-Philippines.

Napangiti na ang aktor nang tinanong ko sa kanya ang nakakalokang eksena niya sa Ang Manananggal na Nahahati ang Puso na kung saan may butt exposure siya. Okay naman daw siya sa eksenang ‘yun. “Kayo ba naman, bigyan ng project na Daryl Yap, hindi kayo magpapakita ng puwet?” napangiti niyang sagot. “I don’t care! I share my blessing. If people enjoy looking on my butt, then enjoy!” pilyong pahayag ni Marco.

Sa Oct. 1 sa Vivamax na mapapanood ang naturang pelikula, kasama niya rito ang baguhang si Aubrey Caraan at ang kuwelang Beks Battalion na sina Lassy Marquez, MC Muah at Chad Kinis.

Show comments