_ngayon
^

PSN Showbiz

Yen, pinagtatakhan kung anong meron!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Yen, pinagtatakhan kung anong meron!
Yen
STAR/ File

Dahil kay Paolo Contis, parang naging ‘friendship capital of the Philippines’ na ang ang Baguio City. Dapat siguro kunin ni DOT Sec. Berna Romulo Puyat si Paolo para endorser sa mag-friends na gustong mag-usap lang na pumunta sa Baguio, as ‘friends’ kahit pa nga babae at lalaki na magkasama aakyat sa malamig na lugar.

Lahat tuloy ngayon may tagline na, ‘samahan mo naman ako kasi sad ako, usap tayo sa Baguio, friends naman tayo.’

Kaloka ‘di ba? Kasi nga hindi naman usual o common na isang lalaki tatawagan ang isang babae para samahan siya dahil may problema siya. At hindi rin common na ang isang Paolo na heto alam mo na ang history sa lovelife sasamahan mo kung isa kang single at available na babae at kayong dalawa lang ang mag-uusap as ‘friends.’

Kaloka talaga.

Ewan ko kung gusto rin ni Yen Santos ng ganitong kaguluhan sa buhay niya kaya kahit pa nga alam na niya ang kalagayan ni Paolo eh ok lang sa kanya na magamit as ‘friend.’

Naku feeling ko nga si LJ ang gumastos sa trip to Baguio nila as friends noh.

Hay naku, never ending serye talaga ang istoryang ito, at least ruma­rampa na sa New York si LJ Reyes. At suwerte siya, New York ang eksena niya, pang-Baguio lang si Yen.

Habang naka-lock in naman si Paolo para mag-quarantine bago ang taping ng I Left My Heart in Sorsogon.

Pero ano nga bang meron si Yen at parang gustung-gusto siya ng mga lalaki? Or baka sumisirko. Hahaha.

Pero sabi nga ni Cristy (Fermin) sa aming programa noong Martes na Take It, Per Minute... Me Ganon!? “Si ‘Yen yung literal na tinatawag na babaeng may brilyante sa pinakamahalagang bahagi.”

Kaloka. Oh ay siya, babu.

Asawa ng basketbolista, ‘di alam kung paano mababayaran ang mga pinagkakautangan

Alam mo, Salve, upset ako sa nangyayari ngayon sa buhay ng asawa ng isang sikat na basketball player.

Ang hirap ng problema niya dahil tungkol sa pera. Iyon pa naman ang isang problema na nakakainis, dahil nga parang madali lang lutasin pero mahirap ‘pag nabaon ka na. Hindi ko naman masisi ang manager/writer/comedian na hiniraman niya ng pera dahil matagal din ang pinaghintay nito at talagang malaki ang pera na pinag-uusapan.

Mahaba na nga ang pasensiya niya dahil medyo matagal-tagal na rin ‘yung singilan nila. Ang masakit lang naging mabait sa atin ang misis na napakaganda pero meron palang malaking problema na hinaharap.

Tiyak na magiging malaking balita ito dahil sikat na sikat ang basketball player. At lalong nakakaawa ‘yung misis dahil hindi lang pala kay manager/writer/comedian may hiniram kundi sa ilang tao pa rin.

How sad, sana may makita siyang solusyon.

Sana maunawaan siya ng asawang basketball player. Sana rin huwag namang maging harsh ang tao sa kanya.

Ito talaga ang problema na mahirap pasukin dahil parang ang hirap labasan, ang paghiram ng pera.

Mabait din talaga ‘yung inutangan dahil nakapaghintay nang matagal, hanggang nawalan ng pasensiya.

Naku, iyang pera talaga, dapat iniingatan para hindi ka mawalan. Lakas ng loob lang, sana malagpasan mo ito, maayos sana.

PAOLO CONTIS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with