TV5 may sulit tv na!

Mapapanood na nang mas klaro ang samu’t-saring entertainment mula sa TV5, ang number 1 sports channel sa bansa One Sports, at ang fully dedicated news channel One PH. Salamat sa Sulit TV—ang bagong digital TV box mula sa TV5 na maghahatid ng kumpletong Digital Terrestrial Television (DTT) experience sa bawat pamilyang Pilipino.

Gawa sa digital na ang broadcast signal, hindi lang magiging mas klaro ang reception ng mga free-to-air channels, mas malawak din ang abot nito. Basta mayroong digital TV box na Sulit TV, enjoy lahat!

Maliban sa mas madali nang mapapanood ang mga paboritong free-to-air channels tulad ng TV5, One Sports, at One PH; may extra features pa ang Sulit TV tulad ng one-button recording at pag-play ng media gamit ang USB.

Mapa-entertainment, sports, o news ang hilig, may handog na ligaya ang Sulit TV sa buong pamilya mula kina nanay at tatay hanggang kay bunso.

Kumpleto sa content pati sa makabagong features, ang Sulit TV ay mabibili sa halagang P890 lamang—walang monthly fees at may kaakibat pang one-year warranty.

Kaya talaga namang ‘Siksik sa saya para sa buong pamilya’ ang Sulit TV.

 

Show comments