^

PSN Showbiz

May nag-positive sa staff... Coco at buong cast ng Probinsyano naka-quarantine sa Ilocos! assistant director na-cardiac arrest, DOA sa hospital

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
May nag-positive sa staff... Coco at buong cast ng Probinsyano naka-quarantine sa Ilocos! assistant director na-cardiac arrest, DOA sa hospital
Coco

Naka-quarantine ngayon ang buong cast ng Ang Probinsyano sa Ilocos matapos mag-positive ang ilang supporting cast ng action series ni Coco Martin.

Nauna raw nag-positive ang delivery driver ng supplies ng serye doon matapos itong magka-fever.

Kaya lahat daw ng artista and staff nito, pina-PCR swab test.

Sa major cast daw walang nag-positive pero may nag-positive sa support cast kaya nag-quarantine ang lahat.

Next week daw ay kailangan nilang mag-reswabbing bago mag-resume ng taping.

Literal daw na nakakulong lang sa kanya-kanyang room ang lahat ng cast at walang puwedeng lumabas dahil nakabantay ang local government unit at suspended din ang permit nila sa taping.

Sa September 11 daw naka-schedule mag-resume ng taping nila, ‘yun ay kung walang wala nang magpa-positive ulit.

Samantala, ang isa pang nakakalungkot na pangyayari sa taping ay na-cardiac arrest ang assistant director / cast director at tumatayo rin daw talent coordinator ng Ang Probinsyano kahapon.

Dead on arrival si Direk Lyan Leonardo Suiza, ganap na 10:40 a.m. sa Gabriel Silang Hospital sa Vigan pagkatapos nitong mawalan ng malay sa loob ng kanyang room, bandang 10:20 a.m.

Pero negative raw ito sa COVID.

Gulat na gulat diumano ang mga artista sa nangyari dahil hindi nga raw sila nagkikita-kita dahil almost a week na silang naka-quarantine.

Challenge talaga sa kasalukuyan ang mag-shooting or taping bilang pagtupad sa mahigpit na protocol lalo na nga at ang Delta variant na ang sinasabing dominant virus sa Pilipinas na mabilis diumanong makahawa kaya punuan na ang mga hospital.

Kahapon ay 20,741 ang new cases at lima pa raw labs doon ang hindi nakapag-submit ng data kaya 2,061,084 na ang total number of COVID cases ng bansa at 157,646 ang active cases.

Kaya dobleng ingat guys lalo na nga at after September 7 ipatutupad na raw ang granular lockdown sa Metro Manila.

vuukle comment

COCO MARTIN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with