Heart Evangelista ready patawarin si Chiz Escudero 'kung sakaling mambabae'

Litrato ng aktres na si Heart Evangelista (kaliwa) at Sorsogon Gov. Francis "Chiz" Escudero
Mula sa Instagram account ni Sorsogon Gov. Francis "Chiz" Escudero

MANILA, Philippines — Kung dumating ang pagkakataong pagtaksilan siya, kaya raw pagbigyan ng aktres na si Heart Evangelista ang kanyang mister na si Sorsogon Gov. Francis "Chiz" Escudero.

Ito nga ang sagot ni Heart sa Youtube vlog ng broadcaster na si Karen Davila nitong Sabado, habang inililinaw na hindi ito agad "deal breaker" para sa kanya.

"Yes [I'll give him another chance if ever], because I love him. I don't love him as a lover, I love him also as a friend," wika ng 36-anyos na aktres. "So, you guys gonna have your happy ending? No, I'm gonna stay with you 'til the end."

"He had struggles in his past relationships [and] he got married. And I’ve never gotten married so I don’t really know how that feels."

 

 

'Yan ang naging sagot ni Heart kahit na naunang binanggit ni Escudero na relationship deal breaker ang cheating sa parehong vlog.

Bago pa man ikasal sina Heart at Chiz noong 2015, meron nang anak ang huli sa mga nakaraan niyang nakarelasyon. Matatandaang na-annul ang kasal nina Escudero at Christine Flores taong 2011.

Itinanggi naman ni Escudero na nagseselos pa siya sa mga naging ex-boyfriend ni Heart, lalo na't natuklasan ng huli na pinapanuod ng pulitiko ang ilang Youtube videos ng mga dating jowa ng aktres.

"I don’t think so [that I'm jealous]," nakangiting tugon ng pulitikong dati nang tumakbo sa pagkabise presidente.

"The motivation is not jealousy, it's curiosity."

Bagama't ilang taon nang kasal sina Heart at Chiz, wala pa rin silang sariling anak. Una nang nagbuntis ng kambal ang former teen star sa anak ng dating senador, ngunit nakunan.

Kilalang magkalayo ang edad ng mag-asawa, na siyang 15-taon ang agwat. — James Relativo

Show comments