Mariel mga anak pa rin ang kasama sa kuwarto, Robin nagso-solo

Mariel at Robin
STAR/ File

Uy hindi pa rin pala magkasama sa kuwarto sina Robin Padilla and Mariel Rodriguez.

Though hindi na ito bago since inamin na nila ito before pa, pero maraming nagulat na sa kabila ng pandemya, hindi pa rin sila magkasama sa bed.

Biro pa ni Robin na mas mahal na raw ni Mariel ang kanyang mga steak kesa sa kanya.

Hanggang napunta sa usapan kung natupad ba ang mga pangarap ni Mariel sa kanilang marriage, at oo naman daw sabi ng misis na dating TV host.

Hanggang ayun pumasok sa mga intrigang binabato sa kanila at naungkat ang tungkol sa hindi na sila magkasama sa kuwarto bilang mag-asawa. “People always wonder why we don’t sleep together in the same room because right now, mas kailangan pa ako ng mga kids. But the time will come I know, sabi mo nga, babalik din ako sa ‘yo,” banggit ni Mariel.

Natawa si Robin at sinabing “wow, ang sweet naman nu’n!”

“Mahal mo pa ko, ha?” tanong ng aktor.

Sagot ng misis na abala sa negosyong steak, “oo, baka nga mas more pa. Kasi mas malalim na, eh.”

Show comments