^

PSN Showbiz

Arjo Atayde isinugod sa ospital dahil sa COVID-19, hirap huminga — film production

James Relativo - Philstar.com
Arjo Atayde isinugod sa ospital dahil sa COVID-19, hirap huminga â film production
Litrato ng aktor na Arjo Atayde
Mula sa Instagram account ni Arjo Atayde

MANILA, Philippines — Kinumpirma ng isang produksyong gumagawa ng pelikula na isinugod sa ospital sa Maynila ang aktor na si Arjo Atayde matapos niyang tamaan ng nakamamatay na coronavirus disease (COVID-19).

Lumabas ang ulat ng Feelmaking Productions Inc., Miyerkules ng hapon, matapos sabihin ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong na lumabag sa safety protocols sina Arjo kung kaya't nagka-COVID-19 sila ng siyam na iba pa habang nagshoo-shooting.

"Arjo Atayde tested positive for COVID-19 as shooting for his new film culminated in Baguio last August 16. Arjo was suffering from high fever, headaches, and difficulty in breathing," ayon kay Ellen Criste, head of production ng Feelmaking Productions kanina.

"It was the mutual decision of Feelmaking Productions Inc., Arjo's parents, and doctors to rush the actor, who has a pre-existing medical conditions, straight to a hospital in Manila on August 17."

 

 

Nagpaabot naman na raw ng tulong ang produksyon sa siyam pang nagpositibo sa COVID-19 ngunit asymptomatic, na rehong naka-quarantine ngayon. Nakikipag-ugnayan na rin daw sila sa lokal na pamahalaan para sa mga kinakailangang safety protocols.

Marso 2020 lang nang tamaan din ng COVID-19 ang ama't ina ni Arjo. Kilalang anak ng aktres na si Sylvia Sanchez ang aktor, na boyfriend naman ng Kapuso star na si Maine Mendoza.

Hindi sumusunod sa protocols?

Pinaiimbestigahan na sa ngayon ni Magalong ang diumano'y pagway ng kampo nina Atayde sa mga panuntunan laban sa COVID-19, bagay na kanila raw pinagkasunduan noong payagan ang kanilang crew na mag-shoot sa kanilang lungsod.

"Nag-positive yung isang grupo na nagsu-shooting dito, yung grupo nila Mr. Atayde. They committed to us na magkakaroon sila ng bubble, pero di nangyari. Nagkataon pala na may mga tao sila na umuuwi sa lugar, at pagbalik, hindi nagtri-triage," wika ng alkalde sa isang panayam ng Regional News Group-RNG Luzon.

"Tapos yung monthly testing na commitment nila, hindi nagawa. So, eto nangyari ngayon. There are 10 people, sa grupo nila na 100, na nag-positive. Positive siya. Kaya lang bigla siya umalis kahapon without our knowledge, claiming na siya lang daw ang asymptomatic. At yung mga kasama niya, asymptomatic, iniwanan na lang niya."

Pangamba tuloy ng Baguio mayor, maaaring nakahawa ng COVID-19 ang mga nabanggit dahil sa kanilang ginawa.

Isinarado na rin daw sa ngayon ang Baguio City mula sa anumang shooting dahil sa insidente. Kahit na maganda raw ang intensyon nina Arjo dahil mapr-promote nila ang lungsod, hindi raw sila nakapag-deliver sa kanilang mga pinagkasunduan.

"The Atayde Family has reached out to Mayor Benjamin Magalong and we assure him and the people of Baguio that we will comply with out commitments to the City. We are grateful for the opportunity to shoot in their beautiful city and apolologize for whatever inconvenience that this unfortunate incident may have caused," patuloy naman ni Criste.

"We request prayers for the speedy recovery of Arjo and the nine who tested positive."

ARJO ATAYDE

BAGUIO CITY

BENJAMIN MAGALONG

NOVEL CORONAVIRUS

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with