_ngayon
^

PSN Showbiz

Scarlet nagtaka sa ‘quarantine’ sa hotel!

TAKE IT! TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Scarlet nagtaka sa âquarantineâ sa hotel!
Scarlet
STAR/ File

Parang ang nakakainis sa mandatory quarantine iyon nandito ka na sa Pilipinas pero hindi ka pa rin puwedeng ng bahay at kailangan mong mag-stay ng ilang araw sa hotel.

At kahit pa nga maganda iyon hotel na tinutuluyan mo ‘di ba kainis na nandun ka instead na sa bahay mo na magpahinga? At imagine mo ha, bayad sa hotel at food, dagdag gastos talaga.

Iyan pala ang tanong ni Scarlet Belo habang nasa Marriot Hotel sila from France. Akala raw niya nasa Philippines na sila, bakit hindi pa sila umuuwi sa bahay nila?

Hah hah, iyon nga rin siguro itatanong ni Aries sa iyo Salve pag bumiyahe kayo na bakit hindi sa bahay tumuloy, bakit sa hotel pa?

Naku, siguro ito ang isang bagay na magiging dahilan para hindi ka maengganyong mag-travel. Imagine may quarantine pagdating mo sa pupuntahan, may quarantine pa rin pag-uwi.

Kaloka talaga. Saka after ng pandemic para rin nakakatakot pa na mamasyal, dahil buong mundo problema si covid, baka mamaya dun ka abutan, siguro traumatic dahil ang hirap ng may sakit ka sa lugar na hindi ka pamilyar.

Buti kung English speaking iyon lugar, eh marunong ka ba ng Chinese, Korean o Japanese?

Naku ayoko munang mag-travel abroad noh, around Philippines lang muna tayo, more fun at mas maganda pa.

Sana nga makabawi ang tourism industry natin dahil talagang maganda ang mga idea ni Sec. Berna Romulo-Puyat para sa DOT. Safe at maayos na raw lahat ng tourist destination.

Mayor Joy at Mayor Abby, puno ng energy

Tulad ni Mayor Joy Belmonte sobra rin subsob sa trabaho ni Mayor Abby Binay ha.

Talagang mabuti na lang at parehong mga bata pa ang dalawang mayora kaya naman puno pa ng energy sa pag-aalaga sa kanilang city.

Kung ilang beses na rin tinamaan ng sakit ang dalawa dahil sa pagod, at siguro dahil sa rami nang mga tao na nakakasalamuha nila kahit bakunado na talagang nagkakasakit pa rin.

Kitang-kita mo ang trabaho na ibinibigay nila para sa tao, kaya kung taga-QC ka o Makati, siyempre pipiliin mo sila para siyang mamahala ng bayan mo.

Mula sa pag-aalaga para lahat mabigyan ng bakuna, ayuda, at kung ano pang puwede itulong, talagang hands-on ang dalawang mayor.

Kaya naman saludo kami kila mayor Joy Belmonte at Abby Binay.

MAYOR ABBY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with