Kris, tuloy na kay willie

Kris
STAR/ File

Inaapela ng followers ni Kris Aquino kay Ms. Annette Gozon-Valdes na bigyan naman ng talk show sa GMA 7 si Kris.

Ito ay  matapos mag-reply si Ms. Annette sa post ni Kris na nagpapasalamat at finally ay matutuloy na ang pagko-co-host niya kay Willie Revillame para sa event ng ine-endorse nilang shopping app.

Naudlot ang first time na sana’y pagko-host ni Kris sa nasabing programa ni Willie.

Pero true kaya na P14 million ang budget ng nasabing shopping app sa tuwing meron silang special episode?

Diumano, ayon sa source, 50/50 ang budget kay Willie and GMA 7.

Whew. Imagine kung 4 million lang ang expenses nila sa isang episode, 10 million na ang net nila plus commercials pa.

Show comments