_ngayon
^

PSN Showbiz

Derek at Ellen, urong-sulong pa ang petsa ng kasal

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Derek at Ellen, urong-sulong pa ang petsa ng kasal
Derek at Ellen
STAR/ File

Konting detalye lang ang ibinahagi ng magkasintahang Derek Ramsay at Ellen Adarna tungkol sa kanilang wedding plans, nang makapanayam sila ni Morly Alinio sa DZRH noong nakaraang Linggo, August 1.

Hindi sila nagbigay ng date ng kasal at baka mabago pa raw ito dahil sa kalagayan natin ngayong tumataas na naman ang bilang ng COVID cases. “Alam mo hindi rin namin alam,” mabilis na sagot ni Ellen kung kalian ba talaga ang kasal.

“Kasi pabago bago ang ano eh may ECQ, may MECQ, lahat na lang… barbeque. So, hindi namin alam, ‘yung rules keep changing. So, we have to obey the rules,” singit ni Derek.

Pero tiniyak ni Derek na magkakaroon ng kasal sa taong ito.

“The plan is this year. ’Yung actual date na naka-book na sana kami, ‘yun pa rin sana ang hinahabol namin. Pero ‘yun nga pabago-bago ang rules. So, hindi namin alam kung matutuloy pa ‘yung date na ‘yun,” saad ng Kapuso actor. “So, everytime na nagbabago, urong na naman, urong na naman. Just to be safe no? So, ‘yung exact date wala pa talaga. It all depends ‘pag nag-steady na talaga ‘yung ano. Pero ongoing pa rin ‘yung pagplano.

“Magmi-meet kami sa wedding coordinator on the 13th tapos magpi-pre nuptial shoot na kami,” dagdag na pahayag ni Derek.

Ang isa pa raw sa iniisip nila, kung ganito pa rin kahigpit na ipinapatupad ng IATF, mahirap daw magpakasal dahil limitado ang mga imbitado.

Kahit gusto niya na very intimate lang ang ce­lebration, hindi naman daw puwedeng sampu lang ang imbitado. “Kasi pamilya niya, pamilya ko, hindi talaga kakayanin ‘yung 10,” pakli ni Derek.

Pero wala na raw talagang urungan ito, sabi nilang dalawa.

Nagkausap na raw sila via video call ng Mommy ni Ellen na nasa Cebu, at ang isa pa ngang balak ng magulang ni Derek ay lilipad sila ng Cebu para pormal na mamanhikan. “Gusto nga ng Mom at Dad ko, kahit na-COVID sila, gusto talaga nilang lumipad ng Cebu para magpaalam sa at makilala ‘yung Mommy ni Ellen. Soon siguro makakapunta kami ng Cebu. Maybe next month,” parang excited na pahayag ni Derek.

Hindi muna nila ibinahagi ang venue ng wedding at kung anong klaseng wedding ito.

Basta gusto lang daw nila na mga mahahalagang tao sa buhay nila ang makasaksi at ‘yung mag-e-enjoy lang ang lahat.

“Very every intimate. Very very small. Tapos very very relaxed. Gusto naming relaxed kami. Hindi ‘yung suot namin na hindi kami makakilos nang maayos. Hindi siya ‘yung typical wedding eh.

“Parang gusto namin na everybody is there to really have fun, to enjoy that special day,” sabi pa ni Derek.

Pagdating sa wedding gown ay simple lang din ang gusto ni Ellen. Pero may dalawa pa raw siyang pagpipilian.

“Meron siyang dalawang options na sinukat na siya and everything. So, she still has to make that decision. Tapos ako, hindi ako makag-decide until she made her decision,” pahayag ni Derek.

Miss World Philippines, kumpirmadong postponed uli

Dahil nasa ECQ na ang NCR sa susunod na linggo at alarming na ang pagtaas ng COVID 19 dahil sa Delta variant, nag-decide na ang Miss World Philippines Organization na ipagpaliban uli ang naturang beauty pageant sa August 8. “The Miss World Philippines Organization has decided to postpone its coronation night indefinitely until further notice,” bahagi ng announcement na ipinost sa kanilang social media account.

Ang isa raw sana sa napag-isipan nila ay gawin ito sa Subic, Zambales dahil hindi ‘yun sakop iyon ng ECQ, pero mahirap pa rin daw dahil sa dami ng requirements bago ka makalabas ng Maynila.

Kaya hintayin na lang daw na matapos ang ECQ, na hopefully hanggang August 20 lang ito, saka sila magdedesisyon kung kailan ito itutuloy.

So far, kumpleto pa rin naman daw ang candidates nila, maliban kay Dindi Pajares na lilipad na ngayong araw patungong Poland para lumaban sa Miss Supranational 2021.

ELLEN ADARNA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with