Raymond Gutierrez, nagladlad na!

Raymond Gutierrez.

Bongga rin si Raymond Gutierrez na tinapos ang Pride month bago inilabas ng Mega Entertainment Magazine ang kanyang ‘coming out story’ na in-announce na sa lahat na siya ay proud member ng LGBTQIA.

Halos sabay-sabay na naglabasan sa online sites na hindi naman ikinabigla ng mga taong malapit sa kanya.

Sa pagkakaalam namin ay matagal nang alam ng pamilya niya ang tungkol dito.

Sabi nga ni Raymond sa interview sa kanya, open secret na rin naman daw ito sa karamihan. Kaya parang nagkakaintindihan na noon pa.

Wala kaming nakitang negative comments, pawang positibo ang nakikita namin mula sa
netizens na nagbigay ng suporta at pagmamahal para kay Raymond.

Ang pinaka-touching siyempre ay ang magandang komento mula sa mga kapatid niyang si Ruffa Gutierrez, at higit sa lahat sa kakambal niyang si Richard.

Tatlong heart emoji ang comment ni Richard sa IG post ni Raymond na may mga netizen na nag-comment na natuwa sila sa pagmamahal at suportang ibinigay ni Richard.

Malamang alam na ito noon pa ng ilan sa close friends niyang kagaya nina Anne Curtis, Isabelle Daza, Liz Uy, Solenn Heussaff at Angel Locsin pero nagbigay sila ng love messages para sa TV host, editor at entrepreneur.

Masaya kami para kay Raymond na noon pa man ay mabait at sweet na sa amin.

May ilan pang celebrities na matagal na ring alam ang tunay nilang kasarian. Sino sa tingin ‘nyo ang susunod na magu-open?

Mga namimirata ng Gameboys... binabantayan

Congratulations sa lahat ng bumubuo ng Gameboys The Movie dahil maganda ang resulta ng bentahan ng tickets sa KTX.Ph at Ticket2Me.

Masayang in-announce ng The IdeaFirst Company na ang Gameboys The Movie ang biggest opening weekend for a movie sa KTX at top-selling movie at all time sa Ticket2Me. At pawang magaganda ang mga feedback na ibang-iba sa BL series.

Bukod sa magandang tandem nina Kokoy de Santos at Elijah, pinuri rin ang mga supporting casts na kung saan nakikita na rin ang bagong tandem nina Kyle Velino bilang si Terrence at si Miggy Jimenez bilang si Wesley.

May kanya-kanya ng career sina Kokoy at Elijah pero solid pa rin ang suporta ng fans nila.

Kahit nga sa Pepito Mana-loto: Unang Kuwento at nandiyan pa rin ang suporta ng EliKoy fans. Kaya hindi pa masasabi kung makakagawa pa ba sila ulit ng ganito kagandang project.

Emotional silang lahat sa pagtatapos nitong pelikula dahil nabuo ang magandang friendship sa kanilang lahat.

Todo ang kampanya nila laban sa mga namirata. Meron silang palatandaan para madaling matunton kung sino ang nag-pirate ng kanilang pelikula.

Post sa Twitter ng producer nitong si direk Perci Intalan; “We are taking evidence on who are livestreaming and pirating our movie. We will report these to the authorities. Thank you to all the fans who are helping us on this. NO TO PIRACY.”

Show comments