^

PSN Showbiz

Bea at Dominic, luma na ang pakulo

Vir Gonzales - Pilipino Star Ngayon
Bea at Dominic, luma na ang pakulo
Dominic at Bea
STAR/ File

Ano ba namang gimik ‘yung ibinabandera bigla nina Bea Alonzo at Dominic  Roque ang kanilang relasyon?

Imagine, ilang beses nang nagkasama sa biyahe at bakasyon, ngayon lang umamin tapos ayan parang mga batang nagpapakilig.

Hindi kaya alam ng dalawa na luma na ang ganitong pakulo dahil COVID generation na ngayon?

Coco at Julia, nabuko rin ang gimik

Isa pang lumantad matapos ang matagal na paglilihim sa kanilang relasyon ay sina Coco Martin at Julia Montes.

Ngayong lantaran na ang lahat, sana naman ay wag silang tularan ng mga baguhang artista na hindi agad nagsasabi ng katotohanan.

40 days, muntik na bagyuhin

Mabuti naman daw at hindi inabot ng bagyo ang shooting nina James Blanco, Michelle Vito at Rhen Escaño ng pelikulang 40 Days sa Pola, Oriental Mindoro. Balita kasing binaha ang ilang portion ng Mindoro.

Minadali nga raw ni direk Buboy Neal Tan ang shooting nila. Tampok din dito ang mayora ng Pola  na si Ina Alegre na dating sexy star.

Natuklasan naming si direk Neal bukod sa pagiging mahusay na director noon sa ATB 4  at Harvest Film, ay isa ring maga-ling na pintor na Mindoro habang off-cam sila, ipinipinta niya ang magagandang tanawin sa Pola.

BEA

DOMINIC

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with