_ngayon
^

PSN Showbiz

John, nasasaktan ‘pag bina-bash ni Isabel!

SHOWBIZ NEWS NOW NA - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
John, nasasaktan âpag bina-bash ni Isabel!
Isabel at John

Isang ganap na TV director na ngayon si John Prats. Ang aktor na bagong direktor ng It’s Showtime.

Ayon kay John ay palaging nanonood ang asawang si Isabel Oli ng naturang noontime show. Ang model-actress umano ang nagsisilbing numero unong kritiko ni John bilang direktor ng programa.  “Ang no. 1 basher ko talaga si Liv, siya talaga ‘yan. Alam ko kung bakit niya ginagawa ‘yon and effective naman. Sobra niya akong pinu-push. Wala namang magsasabi sa iyo talaga ng totoo kung hindi siya. Sa sobrang totoo nga minsan, masakit eh,” nakangiting pahayag ni John.

Para naman kay Isabel ay ginagawa lamang niya talaga kung ano ang makatutulong sa mister sa bago nitong propesyon. “Minsan napi-pressure siya pero I have to be honest with him na, ‘Ano ba ang ipapakita mo, ano ang kakaiba? Ano’ng bago, if ever?’ may ganoon ako. ‘Yon pala napi-presure siya,” kuwento naman ni Isabel.

Ayon kay John ay ginagawa niya ang lahat ng makakaya upang mas mapaganda pa ang prog­rama. Ang tanging hiling lamang ng actor-director ngayon ay ang mapasaya ang lahat ng manonood ng It’s Showtime. “Ang main objective that’s why I’m directing, it’s not para sa akin. Kasi alam ko ang feeling na nararamdaman ng mga artist. Alam ko at inaalam ko rin ang gusto ng ating mga Kapamilya. So ‘yon ang lagi ko lang iniisip. So kapag naa-appreciate nila, sobra akong masaya kasi para sa kanila ‘yon, ‘yung mga napapanood nila,” paliwanag ni John.

SHAINA, MAY EXPANSION NA ANG NEGOSYO

Limang buwan na ang nakalilipas mula nang inilunsad ni Shaina Magdayao ang kanyang bag business na Organized Chicas.

Maganda ang kinalabasan ng bagong negosyo ng aktres kaya nagdagdag na rin mga damit na maaaring ibenta. “Kasi lagi akong nakaayos and so after ilang years of just doing that na-develop ko ‘yung style ko. I’m not trendy, I actually go against trends. Whatever feels right and feels nice sa katawan ko. Whatever it is that makes me feel good. Kumbaga like sa tela I like linen because gusto ko presko. Especially nasa tropical country tayo. But also you can dress up it up. Puwede mo siya i-accessorize. It’s actually a reflection of who I am. Our bags are not super trendy and hindi kakaiba ‘yung itsura but it’s very sustainable and functional. If people find it useful then I’m grateful. It’s also very timeless. It’s like good quality linen. Nothing too trendy. Maybe the clothes that I would personally wear. I’m very proud to say locally sourced, locally made and locally designed. It’s our own little way of helping people during the pandemic. We are very grateful for the support. If it weren’t for buyers and Organized Chicas customers, we wouldn’t be expanding this early,” pagbabahagi ni Shaina.

Bilang bago sa fashion business ay may mga bagay na ngayon lamang natutunan ang aktres. “Since wala kaming background, we did not know na ‘yung tabas pala merong iba-iba ‘yung thickness. Gano’n lang naman, very minimal. And more than anything, ‘yung crucial was the decision making if we were going to push through with the expansion. Parang nakaka-overwhelm kasi na in just five months we turned into a lifestyle brand. But I guess if it’s an extension of who you are, hindi ka malilito with what you do,” paglalahad ng dalaga. (Reports from JCC)

JOHN PRATS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with