_ngayon
^

PSN Showbiz

Jinkee nanghingi ng tawad sa paggamit sa flag ng Sint Maarten

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Jinkee nanghingi ng tawad sa paggamit sa flag ng Sint Maarten

Forgive me,” sabi ni Jinkee Pacquiao sa maling Philippine flag na ini-upload niya sa kanyang IG story nang i-congratulate niya si Hidilyn Diaz na nagtala ng world record sa weightlifting.

Ang flag ng Sint Maarten (Sint Maarten, part of the Kingdom of the Netherlands, is a country on the southern part of a Caribbean island shared with Saint Martin, a French overseas collectivity. Its natural features span lagoons, beaches and salt pans. The capital, Philipsburg, has cobblestone streets and colorful, colonial-style buildings lining its Front Street shopping area. The port is a popular cruise-ship stop. ? Google) ang nagamit niya kaya naman, todo ang na­ging bashing sa kanya.

Reverse ang blue and red sa Philippine flag ng Sint Maarten at walang stars though talagang confusing ang hitsura.

Mabilis na napuna ng netizens ang nasabing error sa post ni Jinkee kaya naman nag-apologize ito at nanghingi ito ng tawad. “Congratulations Hidilyn Diaz. You make us proud! #philippines

“Pasensya na po sa mali na flag ang napindot ko sa ig stories ko kahapon.  (forgive me #philippines)

“That was unintentional. Love you all! God is good! ”

Anyway, sana talaga makuha ni Olympic medalist Hidilyn ang kabi-kabilang sponsor na ipinangako sa kanya ngayong nag-uwi siya ng gold medal sa bansa.

Kung babasahin mo sa social media, parang wala na siyang kailangang gastusan sa rami ng pledges pagkapanalo niya na hindi niya natanggap noong nagti-training pa lang siya.

Dumating na siya ng bansa kahapon at post ng manager niyang si Noel Ferrer, na wala itong own place after the quarantine.

“OUR OLYMPIAN IS COMING HOME TODAY. (No presscon at the airport so as not to become a super-spreader event.)

“She will be quarantined for 7 days.

“The irony of it all is that she doesn’t have a place to stay in after.

She has given up the condo unit (in front of the Rizal Memorial Stadium) that she was renting because she had to leave for training and competitions abroad.

“We have a champion without a home (yet)!

“But still, WELCOME HOME HIDILYN!!!” buong post ng talent manager ni Hidilyn.

Sana hindi mapako ang lahat.

 

JINKEE PACQUIAO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with