_ngayon
^

PSN Showbiz

Miss World-Philippines may matinding kontrobersiya!

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Miss World-Philippines may matinding kontrobersiya!
Joy
STAR/ File

Aww may kontrobersiya pala sa Miss World Philippines na naudlot ang coronation night last Sunday, July 25. Matutuloy ito sa August 8.

‘Hurting’ diumano si candidate number 3 Joy Barcoma na na-shock na pinagbibintangan siyang nagkakalat ng isyu na diumano’y may konek sa intriga ng drugs sa ibang contestants.

Talaga diumanong nawindang si Joy na biglang hindi na lang siya kinakausap ng ibang mga contestant. Kaya nagtanung-tanong daw siya kung bakit ganun eh wala siyang maalalang ginawang masama.

Saka ang advocacy daw niya ay mental health so paano raw niya gagawing mang-intriga ng ibang contestant na alam niyang makakaapekto sa kanilang lahat.

Actually, ayaw na raw sana niyang palakihin dahil makaka-distract nga sa concentration nila sa coronation night, pero na-alarm diumano siya na nagagalit talaga sa kanya ang ibang contestants kahit nag-explain na siya at umamin ang roommate niya na siyang pinagmulan ng intriga.

Nag-advise na rin daw siya sa MWP organizer at ang wish niya, ma-clear ang air, pag-usapan na lang dahil umamin nga raw ang roommate niya na sa kanya (roommate) nag-start ang lahat ng intriga at nag-sorry naman daw ito sa harap ng ibang contestants.

Pero ‘yun nga, kahit para sa kanya ay ok na, hindi pa rin daw siya nagkakaroon ng peace of mind at bothered pa dahil hindi pa normal ang ‘sitwasyon’ para sa kanilang lahat.

Hoping si contestant number 3 na maglalabas ng public apology ang contes­tant na umamin sa kanya galing ang issue para naman maging confident sila at hindi makaapekto sa concentration nilang lahat.

Executive assistant si Ms. Joy ni Cong. Niña Taduran ng ACT-CIS kaya tinawagan daw agad niya ito at nag-usap sila at hoping din si Cong. Niña na mase-settle ang lahat at magiging fair and square ang labanan.

Bukas ang pahinang ito sa paliwanag ng organizer ng Miss World Philippines.

Anyway, bukod sa paglalabanang korona ng Miss World Philippines, mayroon pang pitong titulo na naghihintay para sa mga naggagandahang aspiring beauty queens: Miss Supranational Philippines (may nanalo na), Miss Eco International Philippines, Reina Hispanoamericana Filipinas, Miss Tourism Philippines, Miss Environment International Philippines, Miss Eco Teen International Philippines, at Miss Multinational Philippines.

MWP
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with