_ngayon
^

PSN Showbiz

Ara at mister, gagawa ng baby Boy!

SHOWBIZ NEW NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Ara at mister, gagawa ng baby Boy!
Ara Mina at Dave
STAR/ File

June 30 nang ikasal sina Ara Mina at Dave Almarinez sa Baguio City. Ngayon ay sa San Pedro, Laguna na nakatakdang manirahan ang aktres kung saan nakabase ang mister. “Umuuwi naman na ako do’n. So aayusin na naman ‘yung bahay sa Laguna kasi ‘yung ibang gamit ko hindi pa kumpleto do’n. Hindi rin kasi gano’n kadaling maglipat so unti-unting aayusin pa,”  bungad ni Ara.

Magpipitong taong gulang na ang anak ng aktres at Patrick Meneses na si Amanda. May mga anak na rin si Dave sa dating asawa nito. Ngayon ay pinaplano na nina Ara at Dave na bumuo ng sariling pamilya. “Magha-honeymoon muna kami. Medyo mahaba ang break ko sa Ang Probinsyano. We’ll try to have a baby this year. Si Lord na ang bahala diyan. in God’s perfect time ibibigay naman Niya ‘yon. Sabi ko nga wala akong hiniling na hindi ibinibigay ni Lord, maghintay ka lang. So hinihiling ko kasi magkaroon kami ng isang anak. Ako gusto kong magka-baby boy. Gusto rin naman niyang magka-baby boy din,” pagbabahagi ng aktres.

Kapag nakabalik na sa taping para sa FPJ’s Ang Probinsyano ay magiging abala nang muli si Ara. Abala rin naman si Dave bilang Presidente at CEO ng Philippine International Trading Corporation. “Nagagawan naman namin ng paraan, time management. Saka ‘pag love mo ‘yung ginagawa mo at love mo ang tao, siyempre may asawa ka na. Magagawan mo ng paraan lahat ng bagay kung paano i-manage,” giit ni Ara.

Jaya, gusto munang maging normal

Mahigit dalawang linggo na ang nakalilipas nang umalis si Jaya sa Pilipinas patungong Amerika.

Ngayong nasa US na kasama ang pamilya ay hindi pa rin umano titigil sa pagkanta si Jaya. “Hindi na po mawawala sa dugo ko ‘yan. Ang nanay ko nga eh, sa kahuli-hulihang hininga ang kanyang ginawa ay pag-awit at pagpapatawa at pag-e-entertain sa mga tao. So hindi ko ito tatalikuran. Ang ginagawa ko lang is simply to rest and give myself a chance to be a wife, a mother, to serve our church here. I just want to be normal for a bit but I am still going to sing. We are still going to do concerts. By God’s grace, tuluy-tuloy pa rin ang ligaya. And when the economy opens, ang ating entablado sa Pilipinas ay nagbubukas na, magbabalik din naman ako para magtrabaho diyan,” paglalahad ni Jaya.

Nilinaw naman ng singer sa mga tagahanga na hindi biglaan ang naging desisyon na manirahan sa Amerika. “Matagal nang plano ‘yon. It was just God’s time that it had to happen. We planned this last year before Christmas. Sa rami po ng ganap, to make the long story short, the move here is just so that our residence can be here,” paliwanag niya. (Reports from JCC)

ARA MINA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with