_ngayon
^

PSN Showbiz

Bea at Dominic may pa-kissing at back hug na

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Bea at Dominic may pa-kissing at back hug na
Bea at Dominic
STAR/ File

After holding hands, may pa-kissing and back hug naman sina Bea Alonzo and Dominic Roque.

Hindi na shocking pero kilig pa rin ang followers nila dahil matagal ang hinitay bago talagang nag-open up ng relasyon sa public ang magka-relasyon pagkatapos ng kontrobersiyal na relasyon at break up ng actress kay Gerald Anderson.

Ang kissing photo ay nasa IG story ni Bea habang nasa IG naman ni Dominic ang back hug nila.

Kasalukuyan silang nasa California para sa isang buwang bakasyon.

Kuha ang back hug photo sa isang auto camping kasama ang mga kaibigan sa Yosemite National Park.

Umalis sila pagkatapos na pumirma ni Bea ng three-year contract sa GMA 7.

Sweet photo nina Jodi at Raymart, inintrigang lumabag sa health protocol

Kino-question ng ibang netizens ang group photo nina Raymart Santiago and Jodi Sta. Maria with Gretchen Fullido, Shaina Magdayao with unidentified friend.

Parang ‘di raw kasi sila sumunod sa health protocols dahil magkakadikit at walang mga suot na mask sa photo na almost viral.

Sa IG story lang ni Shaina lumabas ang nasabing photo kaya naman after 24 hours ay burado na ito.

Ingat na ingat sina Raymart and Jodi sa kanilang relasyon lalo na nga at may issue si Raymart sa sustento sa anak nila ni Claudine Barretto.

Ang nasabing photo ay kuha sa birthday celebration ni Raymart recently.

BEA ALONZO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with