_ngayon
^

PSN Showbiz

Danica naiyak sa sinabi ni Pauleen!

Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon
Danica naiyak sa sinabi ni Pauleen!
Vic at Pauleen
STAR/ File

Naiyak si Danica Sotto nang mabasa ang post ni Pauleen Luna-Sotto para sa asawang si Vic Sotto na ama ni Danica.

Post kasi ni Pauleen, “I wish you can open my heart and see how much i love you. I don’t know if i say it out loud but you are the best part of my life and i wouldn’t have it any other way. Thank you for loving, caring and most especially treating me with respect. I love you sooo much @mzet280.”

Sabi ni Danica, “Bakit ako naiiyak? @pauleenlunasotto hehehe” na sinagot ni Pauleen ng “love you Nix.”

Marami ang kinilig sa post na ito ni Pauleen at gusto nila ang sinabi nitong, “treating me with respect.”

Ken at Rita, ‘di magkasama sa pelikula

Mabuti naman at matutuloy na ang partnership ng Regal Entertainment at GMA Pictures sa pelikula na kung saan, puro Kapuso stars ang cast. Nag-storycon na noong isang araw via Zoom at present sina Roselle Monteverde ng Regal at Joey Abacan ng GMA Pictures.

Bida sa pelikulang hindi pa nabanggit ang title sina Ken Chan, Sanya Lopez, Gabbi Garcia at Khalil Ramos. Kasama rin sa cast sina Manolo Pedrosa, Sofia Pablo, Allen Ansay, Bruce Roland, Shanelle Agustin at si Easy Ferrer ang director.

Nagulat lang ang fans nina Ken at Rita Daniela kung bakit hindi si Rita ang kinuhang kapareha ni Ken gayung hit ang Afternoon Prime nilang Ang Dalawang Ikaw. Saka, sana raw si Gabby Concepcion na ang kinuhang makakatambal ni Sanya dahil marami silang fans nang magsama sa First Yaya.

Sigurado namang may paliwanag ang GMA Pictures sa isyu ng RitKen fans at ng fans nina Sanya at Gabby. Tama si Ken na maging masaya na lang na may project sila ngayong pandemic at hindi raw ibig sabihin, sira na ang love team nila ni Rita dahil tuloy pa rin ang RitKen sa telebisyon.

PAULEEN LUNA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with