_ngayon
^

PSN Showbiz

Dingdong, sayang na hindi nahawakan ng mga master

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Dingdong, sayang na hindi nahawakan ng mga master
Cast ng Seven Sundays
STAR/ File

Napanood ko uli ang pelikulang Seven Sundays sa TV. Parang gusto ko talagang dapat sa lahat ng awarding body nun na mag-tie sa Best Actor sina Aga Muhlach at Dingdong Dantes. Ang galing-galing ni Dingdong sa movie. From acting, bato ng dialogue, body language, eye acting, ang husay niya.

May advantage lang si Aga over Dingdong dahil kumbaga sa student, nakapag-master siya sa mga mahuhusay na director tulad nina Lino Brocka at Ishmael Bernal na hindi naranasan ni Dingdong. Advantage ng lahat ng artista na dumaan sa kamay nina Brocka at Bernal ang bagay na iyon, kaya parang kulang ang training ng mga hindi sila natikman.

Pero sa galing ni Dingdong, mas lalo sana siyang nahasa kung na-handle siya ng masters. ‘Yung long dramatic scene niya sa confrontation sa family niya, bongga, bigay na bigay ang bitaw ng dialogue, tamang-tama ang pitch ng boses, ‘yung teary eyed siya, eksakto ang timpla, wow, tunay na actor nga si Dingdong. Hindi siya na-outshine ni Aga, lahat ng eksena nila together feel mo ang presence niya, hindi siya na-overshadow nina Ronaldo Valdez. He was at his best sa Seven Sundays. Pati ‘yung handsomeness niya, fully on. Sabagay nabigyan din siya ng award, pero sa movie na ito dapat talaga nag-tie sila ni Aga sa lahat ng award ng Best Actor. Deserving sila, a beautiful piece for both of them.

Mas lalo mo pa nga na-appreciate ang movie sa second viewing, para siyang wine, mas sumarap habang tumatagal. Not too late, basta para sa akin one of Dingdong Dantes’ most excellent work, Seven Sundays. Kahit sa mga replay catch it. You will really enjoy it, promise.

Isa pa sa napansin ko sa Seven Sundays, ang ganda pala talaga ng mukha ni Cristine Reyes. At marunong din siyang umarte ha. Very sexy ang dating niya kahit pa nga sa mga eksena na magulo ang buhok niya, casual lang ang suot niya. Meron siyang sensuality na ang ganda ng projection, kaya naman pala crush na crush siya ni VG Mark Leviste, hah hah hah.

Ang maganda kay Cristine, hindi lang siya maganda, marunong din siyang umarte, at mahusay mag-project. Sana nga mas busy pa siya dahil bagay na bagay siya sa big screen, very arresting ang presence niya. Sana rin meron siyang serye dahil at least naiiba ‘pag siya naman ang napanood mo sa TV sa mga drama o romcom na ipinalalabas. Talents like Cristine Reyes dapat lagi mong nakikita sa screen dahil nakakahinayang hindi mapanood ang talent niya.

TV
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with