_ngayon
^

PSN Showbiz

Kuya Kim, bugbog-sarado ang nararamdamansa maraming pagsubok

SHOWBIZ NEW NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Kuya Kim, bugbog-sarado ang nararamdamansa maraming pagsubok
Kuya Kim
STAR/ File

Maraming mga pagsubok ang kinaharap ni Kim Atienza mula nang magkaroon ng pandemya. Kasabayan nito ay ang pagpapasara ng Kongreso sa ABS-CBN dahil sa kawalan ng prangkisa nito. Malaking bahagi ng kinikita ng TV host ay mula sa Kapa­milya network. “I went through a lot of things. So I would get anxious about the pandemic. Then nawala ang franchise ng ABS. I lost my means to be able to assert myself to my family that I am the provider. Kasi akala ko talagang mawawala eh. The kids were goingthrough a lot of things also. Of course the relationship with the wife, sabay-sabay lahat ‘yan eh. So talagang para kang bugbog-sarado,” pagbabahagi ni Kuya Kim.

Nakaramdam ng pag-iisa at nasa gitna raw ng kadiliman ang TV host noon dahil sa nararanasang mga pagsubok. “May mga araw na para akong nasa balon. May mga araw na nababalot ako ng kadiliman. I go back to the Word all the time, I think of characters in the bible that give me inspiration. There was a time last year during quarantine when I felt I was alone. I felt I had no one in my left, no one in my right. I was in the dark. But King David, in one of the Psalms said that your praise will forever be on my lips. Kung akala n’yo si Kuya Kim napaka-steady, there was a time when I was a bit depressed, a bit bothered. If you have to see a professional, go. Prayer works. But if you have to see a mentor or a pastor or a grief counselor, it works,”paglalahad ni Kuya Kim.

Angel hindi kaya ang kambal na anak!

Hindi pa man naikakasal ay pinagpaplanuhan na nina Angel Locsin at Neil Arce ang pagbuo ng pamilya. Ngayon pa lamang ay nangangarap na ang aktres kung ilang anak ang gusto nila ng nobyo. “Hindi naman basketball team. Isa or dalawa, dati twins ang gusto ko pero nakita ko ‘yung mga kaibigan ko na may anak, parang hindi ko kaya na sabay. Kailangan nakatutok ka talaga. Kung mabigyan ako ng blessing ni Lord, go. Feeling ko stage mother ako,” nakangiting pahayag ni Angel.

Kung sakaling gusto ring maging artista ng magiging anak ay mas pabor daw ang aktres kung mag-aaral muna ang supling. “Well kung gusto nila, pero siguro sa umpisa commercial lang tapos aral muna. Kasi hindi ako graduate eh. Alam ko kung gaano kaimportante ‘yung pag-aaral. Alam kong may mga achievement ako pero iba pa rin talaga ‘yung may diploma ka. Pwede mo iyon dalhin kahit nasaan ka. Hindi mananakaw sa iyo,” makahulugang pahayag niya.

Ngayon ay abala na si Angel para sa preparasyon ng kasal nila ng kasintahan. Wala na raw makapipigil pa sa nalalapit nilang pag-iisang-dibdib. “Yes, walang duda. Si Neil din naman kasi he’s very supportive talaga. iba kasi ‘yung partner, iba ‘yung lover. ‘Yung partner kasi Alam mong hindi ka iiwan sa ere kahit anong mangyari. Napakasarap lang ng pakiramdam ng gano’n” giit ng aktres. (Reports from JCC)

ABS KIM ATIENZA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with