_ngayon
^

PSN Showbiz

Galaw ni KC, guwardiyado!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Galaw ni KC, guwardiyado!
KC
STAR/ File

Hindi rin talaga matahimik si KC Concepcion.

Mula pa noong bata siya, dahil anak siya nina Gabby Concepcion at Sharon Cuneta­, naging celebrity child siya na lahat ng gawin sinusundan ng tao. Hanggang ngayon para bang kahit hindi na active, andiyan pa rin ang mga nagbabantay sa kilos niya, sa mga ginagawa niya, kaya wala pa rin siyang privacy.

Nakakaawa rin dahil siguro kaya hindi makakita ng lovelife si KC dahil na rin sa walang privacy ang bawat kilos niya. Intimidated na nga sa kanya dahil sa status niya, dagdag pa na hindi sila makakilos nang malaya dahil nga laging nababalita.

Sad din na dahil lang sa mga celebrity ang parent niya kaya parang wala na ring privacy ang buhay ni KC.

She is not getting any younger pero up to now wala pa ring natatagpuang Mr. Right.

But with her beauty and brain, sure ako na makakakita rin si KC ng isang lalaking magmamahal sa kanya at magiging forever niya.

Talaga lang siguro na ayaw pa rin niya na magkaroon ng serious commitment, responsibilidad, kaya happy single ang peg niya. Saka by now, kinalakihan na rin niya ang ganitong interest ng tao sa buhay niya kaya tanggap na rin niya at kaya niyang dalhin.

Sana maging maligaya na si KC dahil deserving siya to be happy and have a peaceful life.

Mayor Richard, pinatuna­yang ideal leader

Siguro ‘pag talagang gusto mong mag-serve nang mabuti sa mga nasasakupan mo bilang mayor, dapat katulad ka ni Mayor Richard Gomez ng Ormoc.

Talagang mula nang maging mayor siya hindi na niya iniwan ang Ormoc, doon na tumira at namuhay. Hindi na siya tumanggap ng anumang trabaho sa showbiz, buong panahon niya ay ibinigay niya sa probinsiya. Kaya naman tingnan mo ang magandang resulta ng kanyang trabaho, maunlad at tahimik ang Ormoc, plus talagang pati pagsasalita ng Bisaya ay alam na alam na ni Richard  kaya naman maganda ang communication niya sa kanyang mga nasasakupan sa Ormoc.

‘Yung passion ni Richard sa leadership, nagawa niyang ipakita kaya naman lahat humahanga sa kanya. Ganito dapat ang dedication, ibigay ng sinumang gustong pumasok sa politics, ‘yung ipinakita ni Richard para malaman nila, na kahit artista puwedeng maging leader.We are so proud of you, Mayor Richard Gomez, go go, more more. Bongga talaga. Salute!

KC CONCEPCION
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with